Mommy Debates

Okay lang kung FB friend ng asawa mo ang ex niya?

Mommy Debates
850 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello Beautiful Momshies out there, I already asked my husband about that and he said it depends. Depende daw sa degree/level ng kasalanan na nagawa niya. For my husband's case, ginago kasi siya ng ex niya, nagpabuntis sa iba, habang sila pa ni hubby at aware din yung lalakeng yun. Take note, kasamahan pa niya yun sa simbahan ah. She always use daw magsisimba as an excuse. Nakaramdam si hubby, tinanong niya si girl as she is showing signs and symptoms of pregnancy daw, nahihilig sa maasim at other foods, so nagtanong si hubby, kung naglilihi siya, sagot ni girl, magtaka ka naglilihi ako wala ka dito, (nasa abroad kasi yung girl before, sa UAE) then un after 2 months ata, umamin na si girl. as per husband, noong plan na niya hiwalayan, naunahan siya, umamin si girl. Nag second anniversary pa sila ah saka umamin. Saka nahahalata na daw ni hubby mga november pa lang kasi binigyan niya si girl ng gold necklace and he is asking kung kanino galing daw yun, sabi niya binili daw niya then after a week umamin daw na binigay yun ni lalake, tapos ginagamit na daw ni girl yung jacket ni guy, then she's telling petty reasons kapag sinusuway siya ni hubby na huwag hiramin gamitin, sabi lang kesa naman daw ginawin siya dun, tapos sinusundu daw siya ni guy always sa pod ni girl hinahatid sa work, then after work, susunduin aattend ng activity sa church, manonood ng movie, mag papark, then pupunta sa place ni lalake. siyempre logic na yun. tapos si hubby pa masam sa family ni babae, medyo kapal muks din yung nanay eh. apples don't fall far from the tree naman. Ayaw pa magbayad ng utang. Same sa case ni kuya ko, nagpa buntis din si girl sa kasamahan niya sa serbisyo while kuya was in training habang sila pa nong babae. same reasons din magsisimba daw. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚Same stupid reasons, same stupid actions. Na-overwhelm ako sa pag kwento not because of my hubby pero sa experience ni kuya and, it drives me nuts. What a shame and coward.

Magbasa pa

Absolutely okay for me ! Sya ayaw nyang e friend samantalang ako gustong-gusto kaya nga ako pa ang nag-friend request sa girl eh at ! d lang yan inadd ko din sya sa personal account ko 😊 D naman ako bitter to the fact na 5yrs din sila. Samantalang kami 1yr and 9mos palang pero haler ! wala akong paki ako naman tinuluyan nya sa takot ba naman sakin yun tsaka isa pa b-friend nya ung kuyah ko. At isa pang isa sobrang swerte na nya sakin sya naman nag sabi nun kasi lahat ng pinalangin daw nya kay Lord nasa akin na 😊 Walang panama yung mga exes nya na panay chat sa partner ko na sa katunayan d naman nya nirereplayan ako pa nga nag-rereply kc walang paki yun eh ! Ako kc may paki sa mga exes nya nakakaawa naman kc πŸ˜‚ Laging katwiran nya "bat ko pa pag lalaanan ng time ang mga iyon eh nasa tabi ko lang naman ang babaeng mas importante at mas mahal ko" ayyyieeehh kilig to the bones naman ang talampakan ko πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Seriously, wala naman talaga syang paki na sa ibang babae mas may paki pa sya sa Dota2,Valorant, Ragnarok at ML nya πŸ˜‚ mas okay na yun. At isa pa excited na sya sa magiging baby namin 😊😊 Trivia lang : Bata pa lang ako inlove na daw sya sakin simula nung una nya kong nakita kaso pinagbawalan sya ng kuyah ko kya nung pag tung2 ko ng 25 ayun pinayagan na sya ni kuyah total break na sila ng ex nya. At isa pa 1st boyfriend ko po sya and everything kaya ang swerte nya daw 😊

Magbasa pa

Pra s akn, depende cguro. kc before friend ng asawa k ung ex nya then prang cia pa ung gf before kming nging ng asawa kya blinocked k nga wahahahaha.. ska, asawa k kc nagloko na during pregnancy k days k before, kapapanganak k lng ngaung May, nahuli k cla 2 days after operation k, s messenger ibang acct. dba, ang saya2x mga mommy hahaha.. icpin ninu kakatpos k lng ma operahan, sariwa pa tahi k nun since emergency cs ako... 😒😒nag confess pa ung girl s akn through chat hahaha.. kc ung girl know k cia, friend nmn ng asawa k, msakit lng s akn dhil tinuring kng pamilya ung babae, kya pla noong buntis ako, ndi agad umuuwi asawa k tpos madalas umaalis ng bhay at ako lng naiiwang mg isa lgi un hahaha.. well, tpos na, tinanggap k prin cia s, pro ung trust wla na.. malaking bahagi kc s akn ung nawala after nyang gawin un.. kya matindi ung postpartum depression na pinagdaanan k tlga na nagpapasalmat ako s diyos na ginagabayan ako kht anong mangyari..

Magbasa pa

ayaw ko pero di ko sinasabi sa kanya.. so everytime na merong nag aadd na ex nya auto block nya agad.. ayaw nya kasi na may pag aawayan kaming ex.. problem ko lng kay hubby.. kahit dating ka workmate ko na lalaki biglang mangamusta or kahit friends ko lng basta lalaki magchat iniisip nya agad ex ko.. hahaha.. kaya minsan sabi ko ang dami ko naman atang ex lahat na ata ng nakakachat ko.. pero every convo lahat nababasa ni hubby i told him na nothing to worry about it hindi ako nag didelete ng convo.pero pag sinabi nyang iblock ginagawa ko.. mula kasi pagkadalaga marami akong friends na lalaki kesa sa babae.. kumabaga one of the boys din kasi ako.. may pagka tomboy tomboy kasi ako nuon.. hahaaha. and kapag ex ko na nagchat auto block din ako..

Magbasa pa
2y ago

kaya sabi ko sa kanya someday mamimeet mo din mga friends ko..

VIP Member

wala na po ako plano bantayan yung partner ko. nakakatamad kaya. may buhay siya, may buhay din ako bago pa kami nagkakilala. Kung yung ex niya friend niya sa Facebook, actually friend niya gamit ung second account niya pero walang kaso sa akin yun kasi buti nga siya friend mga ex niya, mga ex ko naman mas gusto na di na kami friends. Yung tiwala at respeto, Hindi kasi yan iniimpose sa tao. Hindi ka rin dapat mag-expect na kung faithful and loyal partner mo, dapat faithful and loyal ka rin. Ako yung tiwala ko binibigay ko na lang sa Diyos. Sa Kanya ako nagtitiwala, hindi sa partner ko kasi tao lang yan. pwede pa yan magbago pero ang Diyos, pwede siya baguhin. Basta ang mahalaga, alam ko sa sarili ko na magloko man siya o hindi, secured ako.

Magbasa pa

diko kilala ex niya and i trust my husband. Pero napag usapan na namin ang bagay na to and ended up na walang ex na friends para walang issue, isa pa saaming mag asawa ay alam namin ang account ng isa't isa. walang pilitang binigay namin ang mga passwords namin so we can open and check pero we never open kasi kapag magkasama kami we talk to each other and make up with the time na hindi kami magkasama.. kapag sa phone time ay magkatabi kami.. nababasa at nakikita ko ginagawa niya at ganun din siya saakin. nagsasabihan kami kung may mga nag chachat or nag friend request kung kamag anak ba or unknown creature πŸ˜‚ ganern

Magbasa pa

saken hnd na talaga pwd, dahil nung una tiwala ako na friends na lang cla, lingid sa kaalaman ko may ugnayan na pala ulit sila, ginagawa akong tanga magakasama kmi sa bahay tapos ang plano nya wala samen ng anak nya, mas marami cyang pangarap dalwa ng ex nya kesa pamilya nya🀣 nakakatawa lng dahil hnd nakatiis ang ex nya at umamin saken, kaya nabuking ko c partner, sa mga gawain nya., hirap pag masyadong malaki tiwala mo sa partner mo, dahil inaabuso.., kaya ngaun pinamimigay ko na cya ayokong mag stay sa tao na hnd nakikita ang halaga mo.,

Magbasa pa

dati nung magboyfriend girlfriend palang kami nag away kami kasi pinusuan nya picture ng ex nya, nakabikini pa hahaha g na g ako muntik na kami maghiwalay. nung nagkabati kami sabi ko iunfriend nya yun pala naunfriend nya na agad nung nag away palang kami haha. after nun wala na kaming pinag awayan uli tungkol dun di na rin sya palareact sa photo ng ibang babae di na nga nagffb halos haha. kaya sakin hindi okay na friends sa fb ang ex, pampagulo lang yan πŸ˜›

Magbasa pa

Ayaw ko sana pero mas mahal nya ang ex nya keysa sa akin. Nagkaka usap sila. Nabasa ko convo nila before and nagsorry ako sa tatay ng anak ko, nag usap kami about it at sabi nya malabo daw na magkabalikan. But its a prank. Nagbalikan nga at panay sabi tong girl na sana sya daw ung pinagsisilbihan. Pero ngayon not sure kung nagkaka usap pa din sila. Dami kong gustong sabihin sa tatay ng anak ko pero di kaya. Masakit lang kasi sya ang pinili ko over sa ex ko ng more than 9yrs. Asan ang hustisya? 😞

Magbasa pa

siguro. kasi ako dat friend ko naman sa fb parang normal di naman kami nag uusap talaga tsaka ilan din naman yun friend kong ganun . nagkaproblema lang nung nalaman ng mister ko na friend ko parin pinag awayan namin pinagbblock nya tas malalaman ko mas masahol pa pala sya as in Lahat ata na naging ex nya andun and ending pinag awayan namin kasi friend din pala nya mga ex nya. Lalo na pag nalaman ng asawa mo kung sino yun pwede nya pang istalk at pagselosan yun.

Magbasa pa