Mommy Debates

Okay lang ba kumuha ng pera sa wallet ng asawa mo kahit hindi nagsasabi?

Mommy Debates
1110 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Syempre hindi. Dapat mag paalam muna tayo sa ating asawa before tayo kumuha ng pera sa pitaka niya. Kahit pa sabihin nila na kuha lang pag need natin. Dapat may consent at mag paalam parin tayo sa ating asawa. Sa experience namin kasi mag asawa ,nag uusap kami if may bibilhin at kukunin or mga expenses atsaka nag papaalam siya sa akin pag kumuha dun sa pera namin tapos sasabihin niya ung bibilhin niya at ako din nag papaalam ako sakanya lalo nat ang sahod niya ay nakalaan sa daily expenses, billings sa bahay namin while ang sahod ko for savings at emergency expenses. Mas maganda parin na irespeto natin ang wallet at gamit ng asawa natin dahil iba parin ang respeto na ibibigay sau ng asawa mo kung ganun din ang ipapakita mo at ipaparamdam sa kanya na may privacy din siya. Lalo na kung dineclare naman at sinasabi ng asawa mo lahat ng benefits niya at alam din niya ang natatanggap mo.

Magbasa pa