Bukol

NP 2 months old ??? Mga mommies, yung asawa ko kasi nakatulog sa sofa habang buhat si lo kagabi e sa kasamaang palad nahulog sa kamay niya at nahulog sa sahig (semento) si lo at sinabi nya lang sakin kaninang umaga kasi nakapa ko na parang may bukol sa ulo pero malambot kapag hinawakan. Nung nalaman ko agad agad ko sinabi na dalhin namin sa pedia nya para macheck (Yung pedia namin is tito ng asawa ko). So kanina, on the way na kami katext nya tito nya, ang sabi iobserve muna si lo. Kung wala naman daw signs ng pagsusuka o pamumulang mata kahit icold compress lang daw. Worried lang ako kasi ang bukol diba mejo matigas? Yung kay lo malambot kasi. May mga cases ako na nabasa about s mga babies na nauntog o nahulog sa floor pero okay at first pero kalaunan ang naapektuhan ay ang pananalita o paglakad nila. Sobrang worried ako mga mommies. ????

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung toddler ko dati nahulog din sa sofa. Sobrang laki ng bukol sa noo, kasing laki ng golf ball at malambot din. Dinala namin sa st.lukes para maasikaso kaagad kasi talagang malaki at parang puputok na sa sobrang maga. Pero pagka check sa kanya talagang bukol lang na malaki. Binigyan lang ng yelo tapos pinauwi na kami. Yung mga signs din na kailangan i-observe within 24hrs wala naman. Sinabi samin ng surgeon na kapag ang bukol ay sa noo, mejo wag daw mag-alala dahil yung skull ng baby/bata matibay na daw sa noo. Ang nakakatakot daw is pag bunbunan or likod ng ulo ang tumama kasi malambot pa at need talaga ng further examinations para ma sigurado na ok si baby. Mas ok din daw na pagka hulog ay umiyak si baby kaysa nawalan ng malay. Yung mga signs lang mamsh na kapag hindi pantay yung pupil ng eyes, tulog ng tulog, unresponsive, iyak ng iyak at vomiting. Kapag 24hrs wala naman, ok lang si baby. 🙂

Magbasa pa

omg! gnyan din ung panganay ku momsh 2months old xa nhulog sa duyan at tlgang ngkabukol.. dinala ku agad sa pedia nea.. gnwa sknya ct scan then nkta tlgang my crack ung scul nea... advice ng pedia na obserbhan lng f mgsusuka at plaging na22lug at after 1month balik sknya.. then 1month after bnalik nmin thanks god buo na ulit ung scul nea... ngaun 7yrs old na panganay ku! paenjectionan mu lng anti meninjitis at wag na maulit pa na mhulog..

Magbasa pa

pero May napanood ako sa tv advice ng obygine pag accident na nahulog si baby lalo na kapag di alam kung ano ung nauna mainam ng wag muna daw agad agad buhatin dahil malambot pa mga buto ni baby baka may biglang mapwersa pag buhat kapag si baby nahulog at hindi umiyak pa observe mo pa din sa pedia if may bukol naman observe mo lang si lo kung ano mga sintomas na mararanasan nya

Magbasa pa
VIP Member

Tama po observe for signs na tutulug tulog, pgsusuka at convulsion. Sa CT scan pwedeng wala pa makita kung less than 24 hrs unless naging unconscious talaga yung bata pagkabagok. Cold compress sa bukol niya para lumiit. Pwede niyo naman idiretso sa emergency room kung di talaga kayo kampante po.

5y ago

Ay anu ba yan 1 week ago na pala ang post na ito. Kumusta ang baby?

TapFluencer

Observe your baby, if you notice na lethargic si baby (panay tulog), dilated ang pupils, nagsusuka, or holding his/her head in a weird position (madalas nakaliyad), go to ER and tell what exactly happened.

TapFluencer

Much better mg-consult ka na lang sa ibang pedia or kung gusto mong makasiguro papa-ct scan si baby mo.Pero try mo din iobserve if mawawala sa cold compress.

naku momsh patingin mo na pls.. pati ako na wowory.. sensitive at sobrang lambot pa ng ulo ni baby.. prevention is better than cure momsh..

Dalhin mo na sis sa ibang pedia tapos parequest ka ct scan may kamahalan nga lang pero health yan kasi

Sna po dnampian ni daddy ng yelo at piso ung bukol para mwla agd..

patingin mo na po momsh baka need ma ct scan or matest ni baby