Bukol

NP 2 months old ??? Mga mommies, yung asawa ko kasi nakatulog sa sofa habang buhat si lo kagabi e sa kasamaang palad nahulog sa kamay niya at nahulog sa sahig (semento) si lo at sinabi nya lang sakin kaninang umaga kasi nakapa ko na parang may bukol sa ulo pero malambot kapag hinawakan. Nung nalaman ko agad agad ko sinabi na dalhin namin sa pedia nya para macheck (Yung pedia namin is tito ng asawa ko). So kanina, on the way na kami katext nya tito nya, ang sabi iobserve muna si lo. Kung wala naman daw signs ng pagsusuka o pamumulang mata kahit icold compress lang daw. Worried lang ako kasi ang bukol diba mejo matigas? Yung kay lo malambot kasi. May mga cases ako na nabasa about s mga babies na nauntog o nahulog sa floor pero okay at first pero kalaunan ang naapektuhan ay ang pananalita o paglakad nila. Sobrang worried ako mga mommies. ????

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung toddler ko dati nahulog din sa sofa. Sobrang laki ng bukol sa noo, kasing laki ng golf ball at malambot din. Dinala namin sa st.lukes para maasikaso kaagad kasi talagang malaki at parang puputok na sa sobrang maga. Pero pagka check sa kanya talagang bukol lang na malaki. Binigyan lang ng yelo tapos pinauwi na kami. Yung mga signs din na kailangan i-observe within 24hrs wala naman. Sinabi samin ng surgeon na kapag ang bukol ay sa noo, mejo wag daw mag-alala dahil yung skull ng baby/bata matibay na daw sa noo. Ang nakakatakot daw is pag bunbunan or likod ng ulo ang tumama kasi malambot pa at need talaga ng further examinations para ma sigurado na ok si baby. Mas ok din daw na pagka hulog ay umiyak si baby kaysa nawalan ng malay. Yung mga signs lang mamsh na kapag hindi pantay yung pupil ng eyes, tulog ng tulog, unresponsive, iyak ng iyak at vomiting. Kapag 24hrs wala naman, ok lang si baby. 🙂

Magbasa pa