Manas

Normal po ba ganyan kamanas after birth? Nanganak po ako last Nov 30 via CSD.

Manas
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pa check-up mo agad kasi possible na may cs complication ka. Pero ganyan nga itaas mo ang paa mo.. Elevate your feet To reduce swelling in the legs and improve circulation, spend some time with the legs elevated above the level of the heart. This encourages the water to flow throughout the body. Fluids naturally rush to the feet when a person stands, so elevating the feet can reduce swelling temporarily.

Magbasa pa
VIP Member

Pag naka upo kayo mommy huwag niyo na po patong sa upuan kailangan na ka apak po kayo sa sahig para dipo siya mag manas ganyan din po nangyari sa akin mapa cs man o normal agkatapos manganak na ganyan po ei, pero di ko siya ina angat kaya mas mabilis po umimpis yung pag mamanas ko

VIP Member

reresetahan ka dapat ng pangpaihi kasi pag di mo nailabas yung sobrang tubig baka bumalik ka sa ospital. kasi nakakaexperuence ka ng hb. pre eclampsia daw tawag jan. nagkaganyan rin po ko e at ganun na experience k

Ganian din ako after ko nanganak momsh. Sabo ni dra no need to worry daw kung normal naman bp tsaka walang ibang nararamdaman.. Mawawala din yan after a week or two basta less sodium diet ka muna.

ibaba nyo po, wag nyo iibitin , then ipa massage nyo paba2, kahit simpleng haplos, kung kaya lakad onti onti, ganyan din po aq, mama ko lng po nag masahe, tas lakad , 1 day lng nawala na.

VIP Member

If wala ka prob sa heart and ok ang bp mo okay lang yan. Kusang mawawala in 1 to 2 weeks. Inuman mo lang maraming water and maglakad lakad para mas magcirculate yung fluids mo sa katawan.

ako po nagmanas din after birth, ang ginawa ko lang less salty food tapos everytime na hihiga ako ung paa ko nakataas mga 2-3 unan ung pinapatungan ng paa ko. effective naman po sa akin

Nov 10 ako nanganak, ganyan din po ako pagkapanganak ko.. Sabi ng OB ko ok lang iiihi ko din daw yun. Then nawala naman nga po ng kusa . Iwas ka lang po muna sa maalat at kape

TapFluencer

Pa massage mo paa mo mula sa daliri ng paa pataas . every day nawawala din yan..ganyan din ako after manganak.pinamassage ko ung paa ko sa asawa ko eh..nawala din..try mo lang

Sakin naman dati after ma cs parang elepante yung paa ko pero bgo unti unti din naman nwala. Wala ako Manas before ako macs kaya ngulat ako bkit ako minanas after operation..