Manas

Normal po ba ganyan kamanas after birth? Nanganak po ako last Nov 30 via CSD.

Manas
51 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes po nung buntis ako wala naman ako manas. Kumabas lang 1day after ko manganak nawala din naman basta elevate mo lang lagi paa mo wag tatagal sa pagkaupo

VIP Member

Yes momsh may mga ganyan tlaga. Like lumalabas ang manas pag after birth na. take ka lang ng iron and wag mo syang i'hang pababa. para lumiit yan.

ganyan din ako.. nwala after 2to3 weeks... feeling ko ako si baymax sa sobrsng lobo. elevate po paa para mawala manas... take lots of water too.

Nagkaganan din po aq suot ka lang po lagi ng medyas at leggins.or stocking po.tapos taas mo lang paa mo sa unan pag naka upo ka or tutulog ka po

Normal lang yan sis. Ako rin ganyan after ko manganak, via CSD rin. Lakad lakad ka lang if kaya mo na. Babalik rin yan sa normal after 2weeks

Post reply image

Mamsh check ur bp agad. Ksi gnyan dn ako na cs last week na diagnose ako post partum pre eclampsia. Pag elevated bp mo, go ka sa ob mo agad.

Oo. Nung nanganak ako prang pputok na ung paa ko sa manas. Inom ka lang water, mag medyas ka, tpos ipatong mo sa unan pg mtulog ka sa gabi.

Sis nagkaganyan din ako after manganak. Dapat lagi ka nakahiha at elevated 2 paa mo. Dahil yan sa mga gamot at anesthesia na binigay satin

VIP Member

Ako din sis almost 1 week bago bumaba Manas ko after ma cs, hirap din kasi lumakad. Mawawala din yan sakin wala na ngayon.

Ganyan din ako.. Nangnak ako November 28.. Elevate mo lang po lagi paa mo.. Drink ka madming water.. Mawawala din yan..