6wks 5dys

normal lang ba na walang gana kumain? kasi ako kahit nagugutom na wala ako gana kumain. pinipilit ko nalang kumain ng kanin kahit dalawang subo lang. mas gusto ko,kasi kainin yung sabaw2 lang. iba oang lasa ko sa kanin.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here almost 8weeks preggy nako. It started nung 6weeks palang and still continues. Ginagawa ko pakonti konting kain nalang ng crackers, tinapay, saging at mangga. Sabi sa mga nabasa ko wag pilitin basta kumain lang pakonti konti every 2-3hrs. Just keep yourself hydrated all the time. My OB advised me to take food supplement aside from taking B6 and Folic acid.

Magbasa pa

normal sis kabilang ka sa maseselan maglihi tulad ko ganyan din ako sis tiis lang malalampasan mo din yan ako swertena makakain ng isang kutsarang kanin sa maghapon hirap na hirap ako magpapayat dati nung ndi pa preggy pero nung preggy pumayat agad dahil nga ndi makakain ng maayos pero awa ng dyos unti unti na syang bumabalik sa dati im 12 weeks preggy na now...:)

Magbasa pa

normal lang po yan, magiging mapili ka talaga sa pagkain during first trimester ng pregnancy. ganyan din ako before. mawawala din yan pagdating mo ng 13weeks 😊 basta lagi ka iinom ng folic para kahit pano may vitamins na maabsorb si baby. mas okay din kung masabaw kakainin mo atleast may laman tyan mo, pero iwasan po ang instant noodles kasi it may cause UTI.

Magbasa pa
3y ago

momsh si OB poba nag reseta ng folic acid na tinetake nyo?

Kagagaling ko lang sa ganyan. hehe. lilipas din yan. Nakakaguilty kasi gutom ka, syempre gutom din si baby. Kaya as early as 5 weeks, nag anmum na ako. Para may makuha si baby na sustansya. Cheer up! Babalik din appetite mo at magugulat ka laki na ng baby bump mo. Hehe

Normal lang yan, ako din 1st trimester ko ngayon kahit gutom na gutom ako hirap ako kumain. Kapag kumakain ako naduduwal ako lagi kaya ginagawa ko nag mamind conditioning ako at sobrang bagal ko kumain. Kelangan mo pilitin kumain para kay baby 😊

Normal lang during first trimester kasi nawawalan ng gana kahit yun dati favorite mo nawawalan ka gana. Di ako pala rice during first trimester more on vegetable, sabaw, fruits lang gusto ko nun.

Ganyan din ako pero pinipilit ko kumain sinasabay ko ng tubig. kain pa din po pra may laman tyan mo ksi ung kinakain mo din nagng nutrients ni baby mo.😊 6wks 4days here😉

Normal lng yan Sis. Ako din dati ganun. Masurvive mo din yan. Try mo din mag fruits Sis bka makatulong. Make sure to take supplements and also drink milk. ☺️

normal yan sis . ganyan dn ako nung 6 weeks ako e . nagugutom ako pero konti palang nakakain ko nasusuka na ko. until now 7 weeks ako ganun pa dn

VIP Member

Normal po yan sa first trimester mo. Pero pag dating ng 2nd trimester mo sis. Lalakas kana kumaen don mo ma ffeel na lage kanang gutom.