Hi mga mommiesss

Normal ba na minsan naiinis ako kay baby? May time na nasisigawan/napapagalitan ko siya sa kakulitan niya. Ako lang kase nag aalaga kay baby. Minsan ung tatay naman niya. Feeling ko naging mainisin na ko nung nagka anak 🥹 nakokonsensya ako sa anak ko, mahal na mahal ko po siya mga momshie. Wala ba kong kwenta g ina?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naiinis ako pero hindi sa baby ko mismo dun sa sitwasyon na bakit kaya ganon. na parang ano ba yan bakit kaya hindi ka pa natutulog anong oras na. bakit napaka bugnutin at iyakin o ano man na may halong worried at naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maasikaso siguro ng maayos or hoping palagi na sana hindi na umiyak. etc.. o minsan gutom na gutom na kasi ako nakakaubos pasensya

Magbasa pa
2y ago

Just Be kind to yourself, and be sympathetic to baby. Alagaan ang sarili-- kailangan nyo rin po ng sapat na kain, tulog, ligo... Si baby naman, hindi pa kaya magsalita at lahat ng mga discomfort ay dinadaan lang sa iyak. Isipin mo, naiinitan ka pero hindi mo masabi, pero pilit kang pinapainom ng gatas, or pinapadighay, hinehele, etc... how frustrating it must be na hindi mo masabi at makuha ang gusto mo. Not to mention during Baby Growth Spurt, sobrang discomfort ang nararamdaman nila...