Mom guiltttt

Masama po ba akong ina? Nasabihan ko po kasi ung 1yr old ko na “istorbo” kasi gising po siya ng gising sa madaling araw. Kanina lang po nangyari to na nasabihan ko ng ganun. Sobrang puyat ko po kasi saka ako po ung tipong pag naistorbo ung tulog badtrip tlaga. Mahal na mahal ko po ung anak ko, di ko po siya sinasaktan physically tho sa salita minsan nakakapagbitaw ako ng masakit na salita like, “ang kulit, nakakainis, ano ba yan bat gising ka ng gising, istorbo” mga ganyan lang naman po. Di ko naman dinidirekta saknya na “ikaw nakakainis ka” hindi naman po ganun. Naiinis lang po ako sa sitwasyon kaya ganun. Minsan natataasan ko ng boses kapag ayaw niyang tumigil. Pa advise naman po mommies sobrang naguguilty po ako. Full time mom po ako, kami lang ni hubby nag aalaga pero madalas ako tlaga ang nagpupuyat. Lage ako nagsosorry kay baby. Tapos ung tipong magpapahele pa siya kaya minsan naiinis ako. Mahina tlaga ako sa puyatan 🥹

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap po talaga ang maging kind and patient kung tayo mismo ay pagod at puyat. Take care of yourself po and rest well para may energy mag-alaga kay baby. I'm the same, na mabilis uminit ang ulo kapag pagod at puyat kaya I make it a point to rest, kahit power nap lang kapag puyat.

For me habaan pa pasensya sa ating mga anak D hbng buhay baby cla. Gnun tlga minsan mppuyat tau lalo sa gbi. Kya minsan matulog pg natulog raw yng ating baby.