single parents

As a new parent myself gusto ko lang sabihin na grabe kayo. Mama ko single parent din and ngayon ko lang narealize kung gano ka hirap maging magulang lalo na yung ikaw lang magisa. Cguro hormones pero naiiyak ako pag naiisip ko yung hirap ng nanay ko. Wala na syang magulang humiwalay sa abusive na asawa tapos may teenager na kapatid pa na nakadepende sakanya plus ako pa na baby noon. Walang bahay hindi nakatapos walang ipon walang trabaho. Sabi ko sa mama ko habang umiiyak paano ma?. Akala nya tinatanong ko kung paano patahanin baby ko. Hangang tinignan ko sya umiiyak ng mas malakas paano mo na kaya?. Hindi nya nagets agad pero naiiyak sya na tumawa. Ewan ko din eh hahaha pero kahit ano kakayanin ko para sayo. Alam ko ganun din kayo ngayon kinakaya nyo kahit sobrang hirap. Grabe ang taas taas ng tingin ko sainyo parang mama ko. Eto yung yabang nya kahit kanino. Yung iba pinagmamalaki mga materyal na bagay. Mama ko hindi, taas noo sya kahit kanino kahit sa anong problema. Kasi kinaya nya dati hindi ko sya maintindihan pero ngayon yung nararamdaman ko hindi ako makapaniwala na nanay ko sya. Grabe talaga kayo. Saludo ko sainyo taas kamay. Grabe.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Basta para sa anak kakayanin. Naging single mom din ako once, iniwan kami nung 2 years old pa lang anak namin. Akala ko hindi ko kakayanin eh, pag tinitingnan ko anak ko na natutulog doon ako nakakahugot ng lakas. Hanggang sa napalaki ko siya ng hindi namamalayan, puhunan ko yung luha, pawis at dugo. Trabaho, alaga, maging ina at ama all at once. Hanggang sa nakatagpo ng lalakeng minahal kami ng buo at walang tanong tanong. Ngayon masaya na kaming apat, ako, asawa ko, si kuya at bunso. Minsan napapasabi na lang ako, yes I truly deserve this peace and happiness. P.S Hindi nagsupport kahit kelan yung biological father ng panganay ko. Pag hinihingian ko siya before wala daw pera, pero pag chineck mo yung facebook at insta galing silang tagaytay ng jowa nya 😂 so sabi ko wag na, ako na lang. Flat kasi bayag nya eh 🤣

Magbasa pa
VIP Member

Be understanding po like me single mom po aq 17 at 18 yrs old na mga anak pero kinaya q magisa walang hinihinging tulong sa pamilya q kc in early age aq nabuntis at mali aq dun pero pinatunayan q sa knla na kaya q after death ng husband q at my young age mahirap pero kaya nmn qng gugustuhin mdmi pong paraan at keep on pray lang po andyan c God to guide us😊👍🏻

Magbasa pa

Kaya mo yan mamsh kung nakaya ni mama mo ikaw din mas kaya mo. God bless po sa family mo

VIP Member

yes kinaya namin dahil maslumalakas kmi habang nakikita mga anak nmin sa araw araw