Natatakot akong ma-shoot sa electric fan o sa elisi ng fan ang daliri ng anak ko!

Nararanasan nyo din bang matakot na baka isuot ng mga baby nyo yung daliri nila sa elisi fan o electric fan? Napaparanoid ako kase mabilis na ang baby kong gumapang at tumatayo na din magisa.

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes!!!! Last month lang yung daughter ko nasugatan sa fan namin magdidinner na kami and nainitan sya so pinaling nia yung right hand nia sa fan and lumusot yung isang daliri nia sa elisi grabe iyak nia and ako sa sobrang taranta ko inakap ko sya at hinawakan yung daliri nia na may dugo at hinugasan ko ng tubig at pinigaan ng oregano nakakapagpatigil ng dugo si oregano, simula nun ayaw na ng anak ko lumapit o madikit sya sa fan namin,pag gusto nia ng hangin magsasabi sya saken o sa daddy nia.

Magbasa pa

Hi ..most of us parents that is our fear..especially pag 1st child natin Siguro the best that we can do is to oversee lahat nang ginagawa ni baby especially pag marunong nang mag crawl and pag mga 2 to 4 years old na sila..super active na ang mga yan kaya "mommy and daddy" super na sa pag babantay.😊😊goodluck and enjoy every moment with your baby.

Magbasa pa

Sobrang takot ko sis nangyari na sa baby ko yung daliri nya naipasok nya sa e. fan namin na maliit. ayun nahiwa malapit sa kuko. pero buti nalang di naman malalim yung sugat. dinampian ko agad ng betadine. kaya everytime na maglalakad sya papalapit sa e.fan namin na maliit inaalis ko sya. hehehe. wala din kasing mapaglagyan yung e.fan

Magbasa pa

Oo naman! Pero actually nangyari na yan sa bunso ko few days before her first birthday. Duguan talaga 2 daliri nya and first time ko sya makita na halos hindi na makahinga sa sakit. Pati ako ngkatrauma. Since then bantay sarado na talga kami paglalapit sila sa e-fan.lagi na din sila nakakulong sa play yard.

Magbasa pa
VIP Member

isang malaking YES, momsh! kaya bumili kami ng net cover para sa electric fan namin hahaha! ngayon naman na 2y/o na siya, aware naman na siya na hindi niya dapat ipasok daliri niya sa fan. usually, nasa 1st year yan ng baby - gumagapang at curious sa mga inaabot na bagay

yung tipong nka no. 3 pa yung efan. tapos accidentally kahit hindi naman nilulusot bigla na lang pumapasok yung daliri. yung baby ganyan. nakakatakot talaga pero talagang tayo na lang ang mag a adjust parang hindi na po ulit yun mangyari. 😊

I almost had my kid's finger inside the fan when she was still a baby! Buti nalang hindi naipasok ng mabuti, It would have been a nightmare for me, kung sakaling nangyari. :( since then, naging super paranoid na ako sa electric fans.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-13673)

thats why my parents used bladeless fans when my sisters were just toddlers. now i have a baby when she grows up a little i will be using bladeless fans as well. prevention is better than cure.

Yes! Kaya yung electric fan namin (hindi stand fan), inilipat namin ng patungan. Pinaplano ko din magDIY ng parang net cover para sa electric fan para hindi niya maipasok ang kamay niya.