Paniniwala..

Naniniwala pa po b kayo sa aswang at mga pamahiin sa pagbubuntis??

98 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sakin po personally, hindi. Baka siguro dahil sa Manila na ako lumaki. Para kasi sakin pagdating sa aswang, kung totoo yan, sa lawak na ng technology ngayon dapat kahit papano may recorded evidence tayo na totoo talaga siya pero parang more on haka haka lang po. :) Sa pamahiin, mostly, wala talagang scientific basis. Mga sabi sabi lang ng matanda as panakot. Nakakalungkot nga dahil nagkocause pa yan ng stress at takot sa mga buntis. I always ask my OB po and google din kung may masasabi sakin na pamahiin kasi ayoko magsayang ng oras sa pagfollow ng isang bagay kung wala naman talagang sense. But I respect those na naniniwala. Kanya kanya naman po yan. :)

Magbasa pa