Aswang??

Hi Mga sis naniniwala po ba kayo sa aswang?

170 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dati Hindi ako naniniwala sa aswang pero nong naranasan ko naniwala nako, last year Hindi ko alam na buntis na pala ako 3months delay mens ko irreg kase ako kaya binaliwala ko. Gabi Gabi laging may gumagapang sa bubong namin tapos pinipwersang tanggalin yong bubong dikaya kinakalmot binaliwala namin kase baka nga pusa lang halos Gabi Gabi laging ganyan Hindi ako makatulog lagi ako nakatingin sa taas parang may natingin sayo pero wala naman. kinabukasan nag pt nako positive yong result buntis na nga ako, nag isang linggo ganon pa rin may kumakalmot talaga sa bubong sinigawan na nga ng partner ko baka Hindi pusa yong nasa taas naghihinala na rin, kinabukasan ulit nagising ako ng 12am sumasakit puson ko humihilab talaga dinudugo na pala ako. nakunan ako first baby ko Sana sabi nila napangamuyan daw ako lalo na ang tagal na pala binaliwala lang namin sa pag aakalang pusa lang. pero ngayon 20 weeks pregnant with twins thanks to god 😇 lumipat na rin kami ng higaan nasa baba na kami.

Magbasa pa

Me sa province kasi lola and ate ko nakakita sila una lola ko buntis si mama ko next ate ko buntis sya.. Here in manila ninang ng anak ko na friend ko and kuya ng asawa ko. Ninang ng anak ko buntis daw yung classmate nya ka boardmate nya umuwi sila ok pa nung matutulog na parang may malakas na pumakat daw sa bintana nila na malaking payong na itim tapos ayun nakita nila namumula yung mga mata. Kuya ng asawa ko buntis tita nya. May yabag daw sa bubong nila na hindi nila maintindihan kaya lumabas sya kasi uso mgnanakaw dun sa kanila pero nakita nya malaking ibon daw kitang kita nila biglang lumipad nung binuksan yung ilaw sa poste. At yung sakin.. Nakapagtataka po kasi ialng years na ko nakatira dito sa bahay nila hubby nung buntis lang ako saka nagsilabasan yung mga pusa at nagpupumilit pa pumasok at nung nanganak na ko wala na sila..kaya nung buntis ako buong kwarto may pangontra pati sa pinto ng bahay.

Magbasa pa

yes kc marami nkong experience sa mga asawa lng ng mga pinxan kong lalaki pagnagbbuntis laging may ibong itim na malaki at sabi ng lola ko is aswang dw un kpag dw malapit at ik ik nya malau pa ang aswang pag dw malau ang ik ik malapit ang aswang kya kpag lalabas ka ng gabi magsuot ka ng itim na damit pra hnd kita ng aswang ang tiyan mo bata plng kc ako marami nkong karanasan sa mga ganyan . yup mkadiyos ako at mhilig manalangin sa puong may kapal but pagdating sa mga asawang o masasamang elemento dpat pa rin taung mag ingat xenxia na kung madami akong kwento hehe nisshare ko lng mga karanasan ko sa mga elemento na yan 👼😇😊 God is always Good 😇👼😘

Magbasa pa

Naging demons naman.. Bakit sa ibang bansa wala? Sa pinas nga lang meron??? If you believe on something and you keep on bothering your own mind, syempre yun ung gagawin ng utak mo.. Mga Apostol nga NOON sa Bible bilang lang ang pinagpakitaan ng demonyo tapos NGAYO. SA BUNTIS LANG??? wake up!!! Walang kwenta kinakatakutab nyo. Kung demonyo man yan I HAVE A BIGGER GOD! I DONY HAVE TO BE AFRAID. hindi ko para istressin sarili ko sa bagay na walang katotohanan.. Sa buntis lang may tiktik? Sa buntis lang nagbabago ng anyo? Wag ako.

Magbasa pa
5y ago

Sa manila ako nakatira dikit dikit p bahay dto since mag buntis ako palagi ng may bumabagsak s bubong ng bahay namin and naglalakad po siya mabigat yung yapak niya, iba po ung lakad ng pusa sa tao palagi din po may nakakakitang malaking ibon na palipad lipad po sa tapat ng bintana ng kwarto ko. Ako lang po buntis dito. Dati di ako naniniwala kasi mas naniniwala ako kay god pero pag naexperience mo na po sa sarili mo masasabi mong totoo pala.

Yes po dito sa ding ding nmn sa taas kung san yung room nmn laging maingay may aswang saka nakita siya ng eldest ko nakatuwad sa may bubong ng lola ko sa likod bahay naka brieft lang daw walang damit kulot ang buhok natulo ang laway... Nakakatakot kaya sa bed nmn ng hubby ko may buntot pagi ako sa tabi ko and rosary nakalagay sa gilid ng ko bintana ko nmn puro asin at bawang.... Wala namang mawawala kung gagawin mo yung mga yon eh

Magbasa pa

Maybe yes maybe no. hehe never pa ako nakakita ng aswang or ung sinasabi nila na maririnig mo na tiktik. pero ako simula nun nabuntis ako grabe ung bubong namin kulang na lang masira dahil laging prang may babagsak or naglalakad pero pag narinig mo nmn pusa lang. Hahaha i dont know kung yun naba un kase nasa Quezon City ako kaya di ko alam kung true ba yun pero kung nasa province ako siguro yes maniniwala ako hehe

Magbasa pa

Hndi. Pero simula nung nakaraan linggo lang. Parang napapraning n ako. Nakakarinig na ako ng mga bumabagsak sa bubong, kahit kaluskos naririnig ko. Ang dami kong naririnig na ang creepy. Kaya parang iniisip ko baka aswang yon. 2months po baby ko at 2yrs old. Yung bintana kasi namin nakabukas lahat para pumasok ung hangin. Kaya simula non. Sinasara kona ung bintana namin. 😂 Cavite po kami.

Magbasa pa

Ako hindi ako naniniwala sa mga ganyan ganyan kasi millenial ako hahahaha kaso nung nabuntis ako takot na takot ako sa aswang pano ba naman nilihin ko pagbubuntis ko pero yung tita ko nagsasabi na "sinong buntis laging may nagbabantay na uwak dyan sa puno pag gabi" hahaha kaya kahit malamig nag aaircon ako para sarado lahat bintana ko.. Wala naman mawawala kung mag iingat ako sa aswang 😂

Magbasa pa
6y ago

Nilihim*

VIP Member

Yes po. Kaya pag natutulog ako laging may katabing buntot ng pagi at asin. Maski sa bintana namin may asin proteksyon daw. Nakakapag taka kasi yung bubong namin kung kailan buntis ako staka may nag lalakad sa bubong tuwing gabi pag sinisilip sa Attic namin pusa pero grabe yung yabag parang di pusa kaya sinasabuyan namin ng asin.

Magbasa pa

di aq nani2wala pero ngayong buntis aq ginagawa ko nlang yung mga nka ugalian ng mga matatanda..wala nmang mawawala kung sumunod tayo as long alam mo nmang wlang masamang dulot sayo..sa province well known yung mga aswang2 n yan kya pg buntis ka expct mo n yang advice ng mga matanda,better n sumunod nlang kysa i risk mo yung baby mo ikaw p masisi sa huli..

Magbasa pa