Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naalala ko lang, 8 years ago nung buntis yung ate ko sa panganay nya. Dun kami nakatira sa bahay ng biyanan nya sa Sariaya, Quezon. Yung bahay na yun yung may silong na parang kubo lang. Yung bahay talaga sa probinsya ganun. So yung ate ko, nakahiga sya dun sa taas, nagbabasa ng pocket book. Wala siyang kasama dun sa bahay kasi kaming lahat nasa labas, nagkakape sa ilalalim ng santol mga 5 meters ang layo mula sa pintuan ng bahay. Yung bunsong sister-in-law ng ate ko nagpaalam saamin na sasama siya sa mga kaibigan nya na bibili ng itlog sa mazapan ( bakery na 1 Brgy. Siguro ang layo mula saamin.) Pinayagan sya, di umalis na sila. Ang suot nya ay white na sando, black na shorts. Tapos mga 10 mins. Siguro after nila umalis, nakita namin siya (yung bunsong kapatid ng asawa ng ate ko) na pumasok sa bahay pero sa kusina siya dumaan. Ang weird kasi nakayuko lang sya, habang nakalugay yung buhok nya na hanggang balikat nya so di namin kita ang mukha. ( Pero ang alam namin sya talaga yun. ) at dahil alam namin na nakauwi na sya, inutusan na sya ng MIL ng ate ko na magsaing kasi hapon na nun eeh. Pero di namin siya nakita na lumabas ng kusina. (My Ate's POV) kinuwento nya samin to. Nakahiga nga sya sa taas at nagbabasa ng pocket book. Yung pader sa gilid nya may malaking butas yun na makikita yung TV sa baba, tapos yung sofa, nakasandal dun sa pader na yun. Napansin daw ni ate na pumasok din yung bunsong sister in law nya pero nakayuko. Tapos umupo daw dun sa sofa na katapat ng ate ko. Hindi daw sya nagsasalita, hindi din nya binuhay yung TV. basta nakaupo lang sya dun, nakayuko. Tas napansin daw ng ate ko na iba yung amoy nya. Hindi daw ganun yung pabango na gamit nila sa bahay, kakaiba daw talaga. Tapos nun dahil nga hindi mautusan ng MIL ni ate yung anak nya na yun nagalit sya, tas nung pupunta na sya sa bahay para pagalitan, bigla daw tumayo at lumabas yung tao na yun sabi ni ate. Dumaan daw sa kusina pero kami na nasa labas, wala kaming nakitang lumabas nung mga oras na yun. Then after 20-30 mins. Nakauwi na yung tunay na bunsong sister in law ni ate. Pinagalitan sya nun ng sobra tas sabi nya "hindi naman ako bumalik dito kanina. Diba nagpaalam ako sainyo na sasamang bibili ng itlog? Kakauwi ko lang." Nung narinig namin yun grabe kilabot namin. Hanggang ngayon pag naaalala ko yun kinikilabutan parin ako. Di ko alam kung tiktik yun or whatever. Basta alam naming hindi tao yung nakita namin nung araw na yun. Buti nalang hindi napano yung ate ko. Ps. Salamat sa nagbasa kahit sobrang haba.

Magbasa pa
5y ago

True. Diko makakalimutan yang experience na yan sis. Pero di ko alam if related sya sa tiktik or baka nagkataon lang na buntis ang ate ko that time.

Try mo mag sabit ng bawang at mag saboy ng asin sa bubuong at paligid bg bahay nyo .. kung may kalamasi ka mag sabit ka din .. taz mag polbo bago matulog .. tingin tingin ka din sa paligid mo pag may nkita kng parang sapot ng gagamba na medyo makapal sa hibla ng buhok na papunta sa tiyan mo or mahalapit sayo putulin mo dila yun ng tiktik .. my 2weeks na din kaming puyat dahil sa tiktik or aswang na yn .. nung nkaraang kagabi lang nag lagay kmi ng sensor na ilaw sa bubung at sensor na patunog .. pano ba naman kasi pilit ba naman binubuksan yung bintana namin .. ilang beses din syang palipat lipat ng pwesto sa minsan nsa bubong . Nsa binta or nasa gilid bahay .. nag di disguise sya na pusa . . Maririnig mo na parang may malaking ipon na bumaba sa bubong nyo taz biglang nag meow .. may point pa nga n sa gilid bahay namin baboy naman .. gabing gabi na mga 12-2 ng madaling araw gnun.. hanggang ngayon ganun.. kaya yung mga kapatid kong lalaki at yung mister ko may itak silang nkahanda bka mahuli nila yung tiktik or aswang .. hnd ko pinipilit maniwala kyo .. probinsya tong amin bukid .. maraming puno .. malapit pa sa sementeryo .. hnd lng nmn ito yung unang beses .. pati rin sa mga ate ko ganito din ng yare .. kya kung ayaw nyo maniwala ok lang choice nyo yan .. basta ko nag iingat ako pra hindi mawala yung anak ko sakin or samin ng mister ko ..

Magbasa pa

naniniwala ako. ilang beses din ako sinundan ng paniki. May 1 time pa galing ako sa house ng parents ko, umuwi ako sa bahay nmin bandang 9pm which is katapat lng ng bahay nila, close lahat ng window hanggang third floor. Nagtaka nalang ako kasi while nsa 3rd flr ako at ngbbukas ng aircon biglang my umikot ikot na paniki skn. so tumakbo ko s kwarto kasi andon asawa ko, pagpasok ko sinilip nya s screen nsa labas sya sa my sala. pero after few minutes andun ndn sya s loob ng room at di ako tinantanan hanggang sa hinila ko si hubby s gilid at ngtago ako s likod nya habang hinahampas nya ung paniki. Tapos nawala sabi nya tinamaan dw nya. Hinanap nmin andun sya sa ilalim ng kama patay na. Nagtataka kme pano npunta don e yung bedsheet nmin hanggang floor ang haba. Tapos too far dun s pwesto nmin nung tinamaan sya ni hubby. Till now palaisipan smin yun. Di kme naniniwala s gnun dati until nangyari samin.

Magbasa pa

Ako naniniwala talaga ako, dati kasi nung kabataan ko dun kami nakatira sa bundok sa lola ko, may mga buntis kasi akong pinsan tapus yung bahay nila yung sahig kawayan nagtataka nalang sila may baboy may kalabaw may baka sa ilalim ng bahay nila tapus kulay itim pa, kaya ginawa ng tatay ng pinsan ko kumuha ng walis ting ting sumpa daw kasi yun, Tapus ngayon na ako na ang nag buntis tapus may kapitbahay din kaming buntis yung tiktik naririnig ko sa may bintana kung san ako malapit natutulog which is ako lang din isa ang natutulog kasi wala sa bahay minsan ang partner ko, minsan ko lang nakakasama sa Gabi kasi isa siyang sundalo, minsan pa may mga pusang naglalampungan hinde na ako makatulog sa ingay nila, kaya ginawa ko naglagay ako ng asin at bawang sa bintana tapus yung tinatawag nilang lana sa bisaya 😀 bigay yun ng kapatid ko pangontra sa aswang

Magbasa pa

Hi Sis! Ako katatapos ko lang maglagay ng bawang, asin at walis tinting sa bintana. Kagabi inaswang na naman ako. 3 beses na lagabog ang lakas talaga, parang yung bigat niya tao na tumalon galing sa itaas. Ang lakas talaga. Pero kapag sinisilip ko, wala naman. Hanggang don sa patatlo nagising ang mama ko, balikwas siya sa pagkakahiga kase nga para talaga may tao na tumalon sa bubong sinilip niya wala naman around 3AM yun. Tapos kanina habang nagawa nga si mama ng pangluop sakin, sabi ng pinsan ko bakit daw ako pauusukan kase may tiktik? Narinig pala niya kagabi na may tiktik sa labas ng bahay namin, nasa katabing bahay lang siya. Ayon kaya talagang pinaglalagyan ko ng asin at bawang ang bintana sa may ulo ko.

Magbasa pa
5y ago

Nagigising din ako dati between 2-3AM when I was pregnant wala lang rare lang para kasing may nanunuod sa’yo while asleep. Tas nung nag lagay din ako ng bawang and asin sa kwarto ko napanatag ako.

Ako naniniwala.. Base on my experience, sa inuupahan naming bahay noon... Inaangat talaga yung bubungan namin, nagising yung nakatirang mag asawa na katabi ng kwarto namin at napamura yung babae, dahil nakita nya rin na inaangat yung bubungan namin mga bandang ala una ng gabi, wala naman kahangin hanging malakas o bagyo nung time na yun... Mga ilang araw nanganak ako, pag kapangank ko dinala agad sa ospital si baby, january 25,2016 .. At that day after 3hrs namatay si baby boy ko, sabi ni mama ko sabi ng doctor wala heartbeat si baby hinahanap nila ng maigi.. Wala daw talaga. Samantalang pagkalabas ni baby boy ko umiyak agad.. At Mukang malakas. Di ko alam ano ngyari! T.T

Magbasa pa

Yes totoo yan till now meron pa dn and meron ndn kahit dto sa Manila. Wala nman mawawala kung gagawin o susundin mo yung mga pangontra para sa mga ganyang nilalang eh! Syempre lahat gagawin mo to protect your baby kaya kahit maging paranoid man tayo is ok lng.. Yung friend kong unang nabuntis sakin sa roofdeck kasi unit nila may malaking space dun and dun kami madalas nag iinuman then may malaking ibon na lumapag dun as in malaki ibon na sing laki ng aso oh dba kakaiba! Tas aun tiktik na pala yun nag iibang anyo sila tas binigyan sya ng pangontra ng kakilala nyang muslim then mag lagay daw ng matutulis na bagay sa bawat bintana at bawang saka lagi mag itim na damit saka syempre PRAY always.

Magbasa pa

Yes it's proven. I don’t believe before at malakas ang faith ko kay God until nabuntis ako and I proved alot na me tiktik nga. It happens everytime matatapat ako sa pinto ng kusina namin sa gabi at lumalabas ako sa gabi. May tutunog na kakaibang huni ng ibon and sa gabi tunog ng tunog banda sa bubong namen. Sinabi ko sa mom ko and she said na dapat magbantay ako ng bawang na may asin sa may platito placed under my bed sa may ulunan. And boom! Mula nung gabing yun wala nko naramdamang kakaiba at wala narin yung ibon. Minsan wala naman masama kung susunod tayo lalo sa mga ganyang bagay, lalong lalo na kung may mga basis tayo.

Magbasa pa

yes momsh true yan.. jan napuya gabi gabi josawa ko kakabatay saken sa gabi.. gawa may naririnig sya lagi tas parang may tao sa bubong kahit alam niya pusa lang yon .. iniisip niya nag babago daw kasi ng anyo yun tas sabi akin wag na wag daw ako tumihaya ng tulog pero kapag nakatihaya ako habang tulog ginagawa niya kinukumutan ako tas pinapatong or pinapadapa ung teddy bear n bili niya saken sa tummy ko tas nasa tabi ko lang yun gising nag ccp or laro online tas mayat maya check saken.. kapag iihi nga un gigisingin muna ako para aware daw ako hahaha ewan dun wala naman akong pangontrang ginamit nun..

Magbasa pa

Opo nung buntis ako nararamdaman ko talaga. walang palya yun sa gabi hanggang madaling araw. Hanggang hndi dumadating asawa ko noon galing sa trabaho hindi ako makakatulog. May asin at bawang kaming mag-asawa sa kwarto namin hanggang kusina, hanggang sa terrace haha kalat na kalat para ma-make sure na hndi sya makakalapit. Sa likod din namin may walis tingting na nakabaligtad. Super takot din ako non lalo na mag-isa ako sa bahay ng 3 gabi grabe ayaw ko talaga ipikit mga mata ko noon. The day bago ako manganak alam ko nasa malapit lang sya. Ramdam ko talaga.

Magbasa pa