Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako naniniwala talaga ako, dati kasi nung kabataan ko dun kami nakatira sa bundok sa lola ko, may mga buntis kasi akong pinsan tapus yung bahay nila yung sahig kawayan nagtataka nalang sila may baboy may kalabaw may baka sa ilalim ng bahay nila tapus kulay itim pa, kaya ginawa ng tatay ng pinsan ko kumuha ng walis ting ting sumpa daw kasi yun, Tapus ngayon na ako na ang nag buntis tapus may kapitbahay din kaming buntis yung tiktik naririnig ko sa may bintana kung san ako malapit natutulog which is ako lang din isa ang natutulog kasi wala sa bahay minsan ang partner ko, minsan ko lang nakakasama sa Gabi kasi isa siyang sundalo, minsan pa may mga pusang naglalampungan hinde na ako makatulog sa ingay nila, kaya ginawa ko naglagay ako ng asin at bawang sa bintana tapus yung tinatawag nilang lana sa bisaya πŸ˜€ bigay yun ng kapatid ko pangontra sa aswang

Magbasa pa