Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo mag sabit ng bawang at mag saboy ng asin sa bubuong at paligid bg bahay nyo .. kung may kalamasi ka mag sabit ka din .. taz mag polbo bago matulog .. tingin tingin ka din sa paligid mo pag may nkita kng parang sapot ng gagamba na medyo makapal sa hibla ng buhok na papunta sa tiyan mo or mahalapit sayo putulin mo dila yun ng tiktik .. my 2weeks na din kaming puyat dahil sa tiktik or aswang na yn .. nung nkaraang kagabi lang nag lagay kmi ng sensor na ilaw sa bubung at sensor na patunog .. pano ba naman kasi pilit ba naman binubuksan yung bintana namin .. ilang beses din syang palipat lipat ng pwesto sa minsan nsa bubong . Nsa binta or nasa gilid bahay .. nag di disguise sya na pusa . . Maririnig mo na parang may malaking ipon na bumaba sa bubong nyo taz biglang nag meow .. may point pa nga n sa gilid bahay namin baboy naman .. gabing gabi na mga 12-2 ng madaling araw gnun.. hanggang ngayon ganun.. kaya yung mga kapatid kong lalaki at yung mister ko may itak silang nkahanda bka mahuli nila yung tiktik or aswang .. hnd ko pinipilit maniwala kyo .. probinsya tong amin bukid .. maraming puno .. malapit pa sa sementeryo .. hnd lng nmn ito yung unang beses .. pati rin sa mga ate ko ganito din ng yare .. kya kung ayaw nyo maniwala ok lang choice nyo yan .. basta ko nag iingat ako pra hindi mawala yung anak ko sakin or samin ng mister ko ..

Magbasa pa