WARNING! PEDOPHILE ALERT

Nalulungkot ako at nanggigigil habang tinatype to. So may nakita akong "common post" dito. Isang mommy na nagtatanong kung ano nangyari sa skin ng baby niya. So yung question may naka attached na photo (PRIVATE part ng baby girl niya) so as mommies normal lang satin makakita at maging concern. Pero while reading ng mga comments may isang mommy na pinapadelete yung photo dahil may mga PEDOPHILE na raw dito sa app? At first nagduda pa ko, pero heto na nga po, may nakita akong isang reply sa comment. May isang mommy pa na natawa dahil bata lang naman daw. Ibig sabihin hindi pa lahat nakakaalam nito. For TAP sana po magawan ng paraan. Dumudumi na tong app na to. Pinapasok ng mga demonyo.

WARNING! PEDOPHILE ALERT
178 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dapat tanggalin na ng TAP ang anonymous feature para mahiya hiya naman yung mga ganyan. Matapang sila kasi anonymous sila eeh. This app is for parents and future parents only. Walang lugar dito ang mga ganyang klase ng tao. Please TAP do something about this.