WARNING! PEDOPHILE ALERT

Nalulungkot ako at nanggigigil habang tinatype to. So may nakita akong "common post" dito. Isang mommy na nagtatanong kung ano nangyari sa skin ng baby niya. So yung question may naka attached na photo (PRIVATE part ng baby girl niya) so as mommies normal lang satin makakita at maging concern. Pero while reading ng mga comments may isang mommy na pinapadelete yung photo dahil may mga PEDOPHILE na raw dito sa app? At first nagduda pa ko, pero heto na nga po, may nakita akong isang reply sa comment. May isang mommy pa na natawa dahil bata lang naman daw. Ibig sabihin hindi pa lahat nakakaalam nito. For TAP sana po magawan ng paraan. Dumudumi na tong app na to. Pinapasok ng mga demonyo.

WARNING! PEDOPHILE ALERT
178 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po kanina may nabasa na post kase yung isang momy pinost nya yung private part ng anak nyang nyang babae na may rashes nagtatanong if kung anong pwedeng gawin. Then nagcomment po ako na wag magpost ng ganun kase may nga lalaki po dto sa app na to. Last time kase may nabasa ako bastos talaga gusto nyang anuhin yung baby girl

Magbasa pa

Mainam maging sensitive dn tayo sa mga pinopost ntn.. dahil may mga hayp at bastos na nakakapasok sa apps na to. Dati naman unang pasok ko dito wala naman ganyan dapat tlg wala ng anonymous ee para lantad pare pareho.. at iwasan magsalita ng masasakit o d mgnda. nakakainis ung nag comment na ganyan wala man lang respeto

Magbasa pa

Yon nalang wag tayo mag post ng mga private part dito lalo sa mga batang babae ksi dami ng nakapasok sa app's nato mga bastos!At if mag post ng whole body na pinapakita ang baby bump wag na isali ang mukha natin baka kasi ikalat pa nila at pag tripan ng mga sira ulo nayan!ingat nalang tayo dmi ng sira ulo ngayon

Magbasa pa
4y ago

Diko din alam mommy bago lang din ako dito at first time mom

Kadiri yang mga ganyang klase ng tao pti ba nmn baby na walang kamuwang muwang may pic lng ng ganon kung ano ano na kabastusan pumapasok sa isip. Ano klase lalaki ung gantan parang walang nanay na nag alaga pati ba nmn tlga bata. Kakatakot kaya kau mga mommies ingatan nyo mga babies nyo kht baby wala ng pinipili un mga mga ganyan.

Magbasa pa
4y ago

dapat sa mga ganon tinotokhang! wlang lugar sa mundong to ang mga demonyo

Mas mabuti rin po siguro na sa pedia na lang ipacheck ang bata. Kung wala naman enough pera mapedia. Sa center na lang po dalhin. Wag na po naten picturan at ipost pa dito cause no matter how we wanted this to be exclusive to all moms, since free app po ito malaki po chance na meron iba ang intesyon.

Magbasa pa
VIP Member

Andito iyong iba niyan kasi mayroon din mga nagpopost ng tummy, nipple/boobs lalo na kapag may question about sa mga ganyan and also pinopost din mga panty na may discharge kaya iyong mga anonymous na yan nagkakaroon ng idea na mag join dito dahil hindi nasasala o nasusuri kung talaga bang babae siya or what.

Magbasa pa

Tarantado yang mga yan ah... Pati ba naman dito minamanyak nila ang nga bata na walang malay malay. Mga hayuk sa laman kahit sanggol pinapatos. Dapat na talaga ipa tanggal ang anonymous. Alam ko di naman lahat ng anonymous masama. Pero panget na kasi tingnan ang apps.

VIP Member

Dapat tanggalin na ng TAP ang anonymous feature para mahiya hiya naman yung mga ganyan. Matapang sila kasi anonymous sila eeh. This app is for parents and future parents only. Walang lugar dito ang mga ganyang klase ng tao. Please TAP do something about this.

Iwasan po ntin mgpost ng private parts, satin man or sa baby natin. Minsan kahit ung tummy natin na pics, proud lang tayo pero iba tumatakbo sa utak ng ibang tao..once u post it, u have no control on how it will be used so think twice before posting.

Must read to for every momshies using the app 😩 be careful on posting here, it's not really secured kahit saan social media ka lagi may mga taong madudumi isip ang naghahanap ng victims.. Nakaka gigil lang talaga sa galit yung mga ganto