please help me po.
Nakatira po kami sa biyenan ko. Tapos may pamangkin si mister ko, nag iisang pamangkin nya. May mga asawa na kapatid nya kso nahihirapan silang magbuntis,kasi may pcos sila. Ngayon yung pamangkin nya,may attitude problem.napaka labanera sa matatanda lalo na sa mga lolo at lola nya,sumasagot sagot sya at kung mag utos akala mo kung sino. Eto naman mga tita, tito at mga lolo,lola nya, hindi binabawalan...hindi pinapalo,eto plang batang to, patay na mama nya,papa na lang meron sya.pero nakakainis yung ugali nya. Napakatamad pa nya, 10 years old nya sya pero nagpapasubo pa sya sa papa nya,tubig lang hindi pa makakuha,iuutos pa..tapos palaaway,kahit saan magpunta,sa church o school,may kaaway..4 months preggy po ako...naistress ako sa kanya. Gusto ko man pong sabihan o paluin kaso wala po akong karapatan. Ano po kaya dapat kong gawin..

Iwasan nyo nalang po yung bata or maybe kaibiganin nyo, try mong mapalapit sa bata baka mas maintindihan nyo po yung reason behind her attitude at maturuan nyo po sya sa dapat iasta nya. If wala po kasi talagang sisita sa kanya, di nya marerealize na may mali na sa ginagawa nya. Pero bago mo gawin yun dapat makikinig na sya sayo. Hindi makikinig sayo ang bata hanggat hindi malapit loob nyan sayo. Speak words of kindness po sa bata, wag sisigawan o papaluin without telling them kung anong mali nya. Kapag di po talaga effective, lipat nalang po kayo kahit ayaw ng inlaws nyo, sabihin nyo po yung reason para mas maging considerate sila baka maging wake up call pa sa kanila yun na may nakakapansin na sa maling ugali ng apo nila. Mas magiging mahirap lang din kasi yan kapag lumabas na baby mo, syempre sa baby mapupunta yung attention ng family baka ma-feel out of place or neglected yung bata at sa baby nyo pa gumanti or mas lalong maging worse yung ugali kayo pa rin magsusuffer.
Magbasa pa

