BATANG SUTIL

Just want to share my story mga kamommy. Nakatira ako dito sa bahay ng byenan ko. May pamangkin ang asawa ko 3 years old na lalaki. Sobrang sutil at salbahe to the point na mauubusan ka na talaga ng pasensya sa kanya. Alam mo yung bawal ka ng bawal pero walang sense pagbabawal mo. Tapos kada babawalan eh dadaanin ka pa sa nakakainsultong pag ngiti nya. Minsan din nagugulat na lang ako, bigla bigla nyang kukurutin ang baby ko or minsan susuntukin nya pag karga ko baby ko tapos tatawanan ka lang nya pag binabawalan mo sya. Ayaw nya din may kalaro kasi lagi nya inaaway. Kaya palagi syang mag isa. Hindi ko na alam gagawin ko kasi inis na inis na talaga ako at parang gusto ko na lang syang saktan, pero wala akong karapatan. Sinusumbong ko sya sa asawa ko. Pinagagalitan nya naman pero parang wala lang sa bata. Wala syang kinatatakutan. #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

special child cguro o abnormal

4y ago

sinabi ko na po sa asawa ko yan na special child pamangkin nya nagalit lang po sakin.