Bayaw na nakakabwiset

Nakatira ako dito sa byenan ko kasi seaman husband ko. Ksama namin dito yung bayaw ko at iba nyang pamangkin. Bago pa ako mag buntis, di na ako natutuwa dun sa bayaw ko.. Oo, nagttrabaho sya, pero di sya nag sshare dito sa bahay. Pinang iinom lang nya yung sinasahod nya. Uuwi ng lasing, tapos uubusin ung pagkain sa bahay na akala mo wala ng ibang kakain. Wala syang table manners, kinakamay pa ung pagkain. Kapag may hangover, duduwal duwal kahit nasa harapan ng pagkain.? Minsan pinag babantaan pa nya mga tao dto. May time pa na nagalit sya sa pamangkin ko,.tipong hahatawin nya ng kahoy. Kasi sa pamangkin ko baka bilin yung motor at kotse naming mag asawa habang buntis ako. Di ko lang msumbong sa asawa ko dahil ayaw ko mag alala sya. Yung byenan ko kung sigawan nya ganun ganun na lang. Ang bigat nya kasama sa bahay sa totoo lang. Pag nakikita ko nga, naaasar ako. Baka mapaglihian ko pa.? Basta iba ugali nya, di sya marunong makisama. Di ko alam kung ano pwede gawin dun para ma evict na sya dito sa amin. Gusto ko na talagang patulan kahit buntis ako. ??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi masamang magsabi sa asawa mamsh

5y ago

Ikr. Nakaka stress kasi tlaga sya. Kahit nung dpa ako buntis, madinig ko lang boses nya o makita ko lang. Naaasar na talaga ako. Kahit sino namang may makasamang ganyan di ba, maiinis din? Buti nga pinapakain pa. Haha. Kukuha lng talaga ako ng tyempo,.yung tipong nag wawala sya sa bahay tapos tatawagan ko asawa ko.😢😢😢😢