Nakakairitang Bayaw (a rant)

Nakatira ako dito sa byenan ko kasi seaman husband ko. Ksama namin dito yung bayaw ko at iba nyang pamangkin. Bago pa ako mag buntis, di na ako natutuwa dun. Oo, nagttrabaho sya, pero di sya nag sshare dito sa bahay. Pinang iinom lang nya yung sinasahod nya. Uuwi ng lasing, tapos uubusin ung pagkain sa bahay na akala mo wala ng ibang kakain. Wala syang table manners, kinakamay pa ung pagkain. Kapag may hangover, duduwal duwal kahit nasa harapan ng pagkain.? Minsan pinag babantaan pa nya mga tao dto. May time pa na nagalit sya sa pamangkin ko,.tipong hahatawin nya ng kahoy. Kasi sa pamangkin ko baka bilin yung motor at kotse naming mag asawa habang buntis ako. Di ko lang msumbong sa asawa ko dahil ayaw ko mag alala sya. Yung byenan ko kung sigawan nya ganun ganun na lang. Ang bigat nya kasama sa bahay sa totoo lang. Pag nakikita ko nga, naaasar ako. Baka mapaglihian ko pa.? Basta iba ugali nya, di sya marunong makisama. Di ko alam kung ano pwede gawin dun para ma evict na sya dito sa amin. Gusto ko na talagang patulan kahit buntis ako.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kay husband nyo na lang po muna sabihin and if pwede sana sa iba na lang muna kayo mag stay para wag na mastress. Wag nyo patulan baka kung ano pa magawa kasi sa inyo e.

3y ago

Okay sana momsh na sabihin mo sa hubby mo para sya kumausap sa brother-in-law mo, ang kaso baka magalit naman sayo BIL mo, isipin nya na bakit ka nagsusumbong sa hubby mo. Inaalala ko lang na baka dahil wala si hubby dyan sa inyo, baka pag nagalit yan o kaya pag lasing, mapagbuntungan ka kasi kahit nga nanay nya, sinisigawan lang nya e. Buti sana kung may iba kayong kasama dyan na pwedeng pangtapat sa kanya.