1st month - never ending cycle

Naiiyak nalang ako minsan, madalas pala pinipigil ko lang. Ayaw tumigil kakadede sa akin lalo na pag gabi to madaling araw. unli hele. tapos pag nagsawa. Papaburp ko. Pag burp magigising. Tapos ulit nanaman sa umpisa. Minsan nasisigawan ko sya. Or na sshake. Wala na akong pahinga. Makikita ko nalang umaga na. Ako rin ang nag bibilad sa kanya sa Umaga. Ang ending hilong hilo na ako sa Antok. Sa umaga naman pag sasabayan ko sya, hindi na ako makatulog. Hangang sa mag gabi nalang ulit

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mi. Ganyan din po ako nung una hanggang sa nahanap ko po posisyon namin sa breastfeeding. Try niyo po ang side-lying position. Pwede niyo po search kung not familiar. Pareho po kayong makakapahinga. No need na din po ipa-burp kung tulog na si baby dahil wala naman pong hangin na pumapasok pag dumedede sila sa atin basta tama po ang posisyon at latch ni baby. Hindi din po laging dahil gutom si baby kaya dede nang dede. Pwede pong for comfort lang at gusto ma-feel ni baby na nandyan lang po kayo sa kanya. Pwede din pong nago-growth spurt siya. Hang in there mommy. You got this!

Magbasa pa
Post reply image