Pa-Rant Lang Mga Mamsh

Naiinis talaga ako sa nangyare kanina during CAS ultrasound. Nawalan ng kuryente sa clinic pero ung machine gumagana pa nman kya tuloy pa din. Pero during the uts wala ako manitor sa harap so di ko nakikita anu anu mga chinecheck ni ob-sono. At withing 5 minutes tpos na xa. Ganun ba kabilis talaga yun? Ganun kamahal tapos ganun lang kabilis? Tapos naghihintay kame ng result after almost an hour sasabihin balikan na lang result kasi busy ang doctor di na nya mahaharap ung report pra icheck at pirmahan. Sobrang nakakainis, di ko na nga nakita si baby tapos pati report wala ako nakuha. Dapat ba ipaulit ko sa kanila ung procedure? Xempre isa sa major reason bat ako excited sa uts para makita si baby tapos wala nangyare.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

30 minutes yung CAS ko. Pero di ko rin nakita si baby ng buo, part by part lang kasi nung nagrequest ako sa sonologist na makita siya, dumapa na ang baby ko. Sana momsh, nagdemand ka habang ginagawa yung procedure, pwede naman iharap sayo yung monitor from time to time. Baka minadali na lang din yung ginawa sayo dahil mauubusan ng battery yung machine. Try mo magrequest if pwedeng ulitin without fee. Pero mas important na walang defect si baby.

Magbasa pa

Matagal ang cas sis kaya nga iniisked ng ob yun e para matantya ilang patients maaaccommodate nya. Sa clinic kasi ni doc yung monitor nasa gilid ng ie table kaya kita talaga ginagawa tas yung result pinaantay nya while nasa loob ako. During that time pinakita na dn ang gender. 1700 sakin. Wag ka sana magbabayad sis kasi ang purpose nun makita nyo ang organs ni bb d lang para ki OB para din maview mo mismo.

Magbasa pa
5y ago

Saang hospital or clinic ka sis?

VIP Member

Alam ko mamsh nasa 30 mins pataas ng CAS kase ichecheck nila lahat ng body parts ni baby including the brain. Nakakadismaya nmn yan hayy. Nung nagpa 3d ultz nga ako medyo ayaw ipakita ni baby ung face nya inulit ulit pa din nung ob sono siya pa mismo pro active na nagsasabi if hindi daw ako satisfied balik nlng ako the other day para ulitin. CAS pa nmn ung iyo sayang nmn mamsh.

Magbasa pa
5y ago

Hindi man ako pinag CAS ni ob sis e. 3d ultrasound ung sakin nung 29 weeks preggy ako. Dito sa province namin Pampanga. I think hindi naman makakasama kay baby sis tanong mo kay ob muna.

Yun sakin nagpa CAS ako 3307 binayaran ko. Took 1 hour and 30 minutes nung natapos. After nun. Pinakita pa sakin ng OB ko si baby from head to toe. Front and back. Sa result I think hindi talaga kaagad makukuha yan kasi sabi sakin ng OB ko iccheck niya pa yung mga sukat lahat ng mga buto ni baby so ineexpect ko ng may katagalan yun.

Magbasa pa

Almost 1 hour ang CAS ko momsh.. Nakita ba lahat ng parts ng baby mo na dapat icheck? Kasi pati daliri sa paa at kamay bibilangin...spinal cord, kidneys, heart, lens sa eyes, nose and lips, stomach, etc, titignan un momsh parang hindi lang 5 mins lang ang aabutin nun. .. Itanong mi kaya momsh baka normal utz lang ginawa..

Magbasa pa

30 mins ung CAS ko sis tpos lahat ng iniiscan ni doc eh sinasabi nya kung anong part tpos iba pa ung discussion after matapos ung ultrasound. Ung nag CAS sa akin cya din kasi OB ko eh never un nagmamadali, mag aantay ka lang talaga sa pila kc madami cya patient pero pag ikaw na eh asikaso ka talaga nya. Tsaka 1600 lang CAS sa kanya

Magbasa pa
5y ago

Saang clinic yan sis? Ok lng naman maghintay basta sulit ung procedure. Kaso hindi kaya nkakadismaya talaga

VIP Member

Sakin nasa 1hour kasi lahat ng measurement pinapaliwanag pa sakin na ganto ganyan, tapos sinasabi ng Ob ko kung ano yung normal size talaga..like for example yung brain, kung hindi masyadong malaki anong sukat , normal kasi between ganto yung sukat, ganyan.. kung ako sayo mamsh papaulit ko then hanap ako ibang ob..

Magbasa pa
5y ago

Baka kasi alam ko ginagawa ang cas pag 26-27 weeks.

Pag CAS po diba eexplain sayo one by one ni Ob. Example: Oh si baby wala naman bingot. Okay ang tenga, ilong, mata, bibig. Okay ang heart ni baby. Ganun ganun... Follow up nyo na lang po ulit yung result. Baka may lakad si Ob kaya nag aapura nung panahon na yun. Hehe. Paulit nyo po pag wala naibigay.

Magbasa pa
5y ago

Hindi naman inexplain isa isa mamsh.. Pinapasok lng saglit asawa ko. Pinakita bibig, hnd dw bingot tapos gender. Tapos na. Kya 5 mins tapos na agad, sayo ba gaano katagal procedure?

Atleast 30 minutes po ang CAS kasi lahat po ng body parts ni baby ichecheck and susukatin po. Dapat po pinakita sayo kung nasan ang kamay at ang paa ni baby, bibilangin din po dapat sa harap mo ung fingers ni baby... ganun po kasi nung CAS ko.

5y ago

Ah. Thanks po. Hnd ko po kc alam un eh. Hehehe

ang bilis naman po ng 5 mins.. sakin nun mga 30-45mins ata.. at ineexplain po nia lahat ng nakikita niya.. pinabalik pa nga kami after an hour kasi hindi makita yung gender dahil nakadapa si baby..