I NEED ADVICE CAS ULTRASOUND 24 WEEKS

Hi mga momshie, my nkaexperience ba ng tulad skin?? Normal si baby kaso yung gender nya nilagay ng doctor probably female,probable kasi ung umbilical cord nakaharang sa pagitan ng mga hita ni baby, ang sabi ng doctor probably female daw po kasi wala syang nakikitang nakalawit na putuytoy ni baby pero di sya sure sa gender nagbase lang sya sa conclusion na un.. my chances ba na mali ang gender sa result ? Super excited pa nman ako pero di convincing ung conclusion ng doctor para sa akin.. 24 weeks pregnant na ako... nanghihinayang din ako kasi ang mahal ng Cas tapos di ako satisfied sa result ng gender ni baby..pls mga momshie need some advice TIA

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi kasalanan ng OBs or Sono ang result ng UTZ or CAS ng baby natin. Nasa position talaga 'yan ni baby. Kung may nakaharang man, nakatalikod or kung ano pa man ay nasa posiiton ng ating baby 'yan. Sana mommy nagpa-CAS ka around 28th-30th week para hindi sayang or dismayado. Kausapin niyo din si babyna magpakita pag nag UTZ kayo. Wala po kasing magagawa mga OB/Sono if hindi talaga magpapakita si baby due to their position.

Magbasa pa

Ako nung nagpaCAS Sabi female but unsure si doc since laging nakadapa or nakatalikod siya.. Ang CAS mamsh main purpose is to determine Kung normal si baby. Bonus na Lang talaga if Makita NG naayos Ang gender dahil depende nga Yun sa pwesto ni baby.. ngayon magpapa 4d scan Naman kami hopefully 100% na Makita Kung ano na gender. Pero still Kung ano man Basta normal or healthy blessing. 🙂

Magbasa pa

Momsh gnun po tlga.. depende po tlga sa position ni baby.. 2lad po ng cnabi nya my nkaharang po kya ndi po sya 100% sure.. ung CAS po ndi lng nmn po pra mkita gender ni baby, ang importante dun is mkita kng my deformity c baby o wla.. pd u p rn nmn po mkita ung gender ni baby sa ordinary ultrasound..

Magbasa pa
5y ago

Uu nga eh next month papaultrasound ulit ako

Ako momsh naka tatlong ultrasound ako bago ko makita gender ni baby. Nung 5months ako, nakadapa daw sya. 7months hindi sure pero 70% na babae. Pero ngayong 8months nako baby boy pala. Sayang nakabili na kmi gamit pang baby girl haha

5y ago

Pa ultrasound ulit kayo mga sis pag malapit na kayo manganak. Para sure. Pero kung bibili na kayo ng gamit, mas better kung ang bibilhin nyo pang unisex ang kulay.

VIP Member

Depende kase un sa position nila at the moment sis, if gusto mo masure try mo mag pa ultrasound ulit para makita mo un gender. Bago ka mag ultrasound, kain ka ng sweets and lakad ka para maging active si baby.

VIP Member

May mga baby kasi na nakadapa katulad nung baby ko, hindi talaga makita yung gender niya. 24 weeks ka pa lang naman, hindi pa naman yan yung huling ultrasound mo. Baka nga magpagawa pa ng BPS yung OB mo.

VIP Member

Sakin rin sis, ganyan nung una akong nagtanong sa ob ko, pero malaking chance kasi na kapag tinatago ni baby ung ari nya babae ☺️☺️ then nung 2nd ultra ko babae talaga hahaha.

5y ago

Next month papaultrasound ulit ako gusto ko tlaga makasigurado kasi baka mabili kong gamit pang girl tapos boy pala lalabas hehe

VIP Member

gaano po ba katagal magpa CAS?? diba maraming ichicheck kay baby..TIA

Same baka babae daw kasi walang lawit pero parang hindi siya sure. :/

VIP Member

Same here. And now confirm na female nga