Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of Baby Oceane
Happy 6th Month Baby O!
Ready to eat solid foods na po sana. Any suggestions po? First time po sa panlasa nya, ano po pwedeng unang kainin? Thank you po sa mabuting magpapayo. ?
ANAK SA BINYAG! Kaloka
Mga sis, bawal ba talaga mag-anak sa binyag yung buntis? Nagpabinyag kasi ko ng baby ko. May kinuha kong officemate ko, pregnant sya. Okay lang naman sa kanya mag-Ninang. Mismong binyag wala sya. Tinanong ko sya kinabukasan bakit di sya nagpunta kasi nagbigay sya ng gift. Sabi daw kasi ng mga officemates namin bawal daw umattend sa binyag ang buntis. Juskooo. So Tita lang sya not Ninang sa gift na binigay nya. Sabi ko nga Tita lang sya muna pero pag nanganak na sya Ninang na. Hehe. Sa next baby ko na lang daw sya mag-Ninang. Gusto ko talaga syang Ninang ng baby ko pero di ko alam kung ipipilit ko... ? Gulat din daw sya na may ganung pamahiin. Totoo ba yun mga sis? Opinion naman po...
Binyag Giveaways
Pwede po bang wala nang giveaway sa binyag? Wala kasi kong maisip na mabibigay sa mga Ninong at Ninang. Ayaw ko naman yung mga pang-display na parang mga figurines kasi matatambak lang nila sa bahay. Sa foods I am very sure naman na di nila mapipintasan at di nila masasabing di sila nabusog kasi unlimited naman sa restaurant na pinareserve ko worth 400/head. Okay na po kaya yun? Magbiro na lang ako sulitin na nila yung kain. ? Any suggestions po?...
Dagdag OZ
Okay lang po ba sa 6 weeks baby na mag 2 oz na sa formula milk? Ang bilis kasi magutom, every hour gutom sya. Naka 1.5 oz sya. Di po ba mabibigla yung tyan nya just in case na mag add ng another .5? Thank you po sa magshare ng ideas. ?
More more gatas! ?
Help naman po paano magkaroon ng malakas na breastmilk, bumili kasi ko kahapon ng breastpump. Ang konti kasi ng milk ko nung gumagamit ako ng manual pump. Ano po ba dapat gawin para lumakas sana or wala nang pag-asa? 6 weeks na si baby... Sayang naman pag di nasulit yung breastpump. ?
MAT2
Sino po may alam ng mga requirements sa pagsubmit ng MAT2? May deadline po ba? Pwede po kaya isabay iattach yung E4 form para makapag change status at the same time? Share your ideas naman po. Thank you... ?
Kahit mahirap, SARAP MAGING MOMMY diba?
My 6 days old baby... ?♥️ Kung ganito lang lagi makikita ko sa baby ko, pawi na lahat ng pagod ko... ?
Evening Primrose Oil
Naging effective po ba 'to sa inyo para mag open ang cervix nyo?
BREECH!
34 weeks and 4 days na po tummy ko pero until now breech pa din daw as per ob. Worried lang ako kasi malapit na ko mag 37 weeks, may chance pa po ba na maging cephalic pa. Since 4 months sya di na nabago lagi na lang breech sinasabi ni ob. Nagtataka din sya bakit di man lang umikot. Any tips po para makaikot pa si baby sa position nya. Gusto ko sana talaga magnormal delivery. Mga 3 weeks na lang mag leave na ko sa work para mas makondisyon ko pa yung sarili ko sa paglabas ni baby. Sana may maadvice po kayo sa akin sa ibang way pa para makaposisyon pa sya. Maraming Salamat po. ?
KAYO DIN BA?
Naexperience nyo na po ba na pag ultrasound sa inyo kinakatok muna ni OB yung tummy nyo gamit yung hawak nyang pang ultrasound? Parang niyuyugyog ba, ganern... Di ko alam kung ginigising nya o hinahanapan nya ng magandang position si baby. Safe naman siguro kasi alam naman ni OB kung makakasama pero curious lang ako kung nagagawa ba yun ng lahat ng OB?