House wife

Naiinis ako sa mister ko dahil parang lagi nalang nya akong pinagdududahan sa pera, lagi nyang tinatanong kung bakit yun nalang yung natira sa budget namin pang -araw-araw. Hindi na nga ako gumagastos ng para sa sarili ko, lahat para sa pagkain namin at mga gamit sa bahay. Kaya naiiyak nalang ako sa sama ng loob. At sinasabi ko sa kanya na kung wala syang tiwala sakin pagdating sa pera sya na ang bumili ng lahat ng kailangan ko dito sa bahay pag umaalis sya. Wala pa akong kinikita sa ngayon dahil 8 months preggy ako.

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pagkasama mo po sya lagi mo sya isama maggrocery para aware sya sa mga price ng bilihin. Kapag wala naman sya dyan, ilista mo po lahat ng binili mo. Ilista mo din po yung mga need mong bilhin like mga gamit nyo o ni baby in advance at kung magkano tska sbhin mo din kung para saan. Minsan kasi mga lalake walang idea kung magkano mga bagay2. Ako nililista ko na lahat ng bayarin sa bills at lagi ko ksama si hubby maggrocery o minsan sya lang naggrocery. Bahala sya dyan mamroblema magbudget๐Ÿคฃ Nag iiwan lang sya ng pera sa lagayan pero bihira ko lang galawin ksi kinukumpleto na nya needs ko bgo sya pumasok sa work. Mas nagagalit pa sya ksi bka nagugutuman kmi ni baby. Ksama ko din sya magcanvas ng mga gamit at essentials ni baby..ayun gulantang sya ๐Ÿ˜‚ Nakakatouch na nakakaawa na tinitipid nya sarili nya pra samin at paghandaan lahat, wala na din ksi ako work.

Magbasa pa
5y ago

Di ba momsh? Para di lang tayo yung nagugulat sa total ๐Ÿคฃ May kasabay tayo mag mayghad eto na yun lahat? ๐Ÿ˜‚

VIP Member

Nung first month namin mag asawa hinahanapan niya ko ng pera sa dalawang cut off niya. Naiinis ako pag pinagtatanungan din ako, kasi saan ko naman dadalhin yun diba? Haha kaya ang ginawa ko, gumawa ako ng income tracker at expense tracker sa isang malaking notebook. Pati narin salary breakdown, para alam nya kung saan napupunta ang sahod niya at ano ung perang pumapasok at nawawala sa amin. Nakakarindi kasi paulit ulit siya "magkano nalang pera? Saan napunta ang ganito ganyan?" Oh ngayon, pag nagtanong siya, alam na niya. At alam narin niya kung magkano lang ang pwede namin gastusin at magkano nalang ang natitira ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Same with my Lip nung buntis ako ganyan na ganyan sya, kada uwi nya galing work kukunin nya wallet ko tapos pagnakita nyang may bawas tatanungin nya ko bat ganto na lang yong pera, ano binili ko, ano ginastos ko, bat eto na lang natira. Inobserve ko sya non almost 1month walang pinagbago kaya prinangka ko sya, sabi ko kung tanong ka din ng tanong bat nababawasan pera mo edi sana di moko binuntis para hanggang nagwowork pa din ako may sarili akong pera pambili ng gusto ko. Wala syang na imik, tumahimik lang sya tapos after non nagbago na sya di na sya nagtatanong simula prinangka ko sya hanggang ngayon na nanganak nko

Magbasa pa

Napaka emotional natin lalo na pag buntis, or kahit nga hindi basta nasaktan tayo iniiyak nalang natin.. Ganito po momsh... Lista mo po lahat ng expenses niyo kapag may binili ka or pagmagkasama kayo sya ipaabot mo ng bayad para alam niya magkano nlang sukli. Ganyan po ginagawa ko sa padala ng mister ko, yung resibo at yung walang resibo sinusulat ko kung magkano para walang duda. Sinesend ko pa picture sakanya para mkasigurado sya at makampante rin tayoโค๏ธ.

Magbasa pa

Kaya ayoko tumigil sa trabaho e. Lahat ng sahod ni hubby binibigay nya sakin. Sinabi nya din na akin yung pera nya so ako na bahala kung ano kelangan ko bilhin pero minsan lng ako kumukuha sa pera na galing sa sahod nya kasi may trabaho naman ako. Ayoko rin tumigil sa trabaho para hindi kami kawawa ni baby. 10weeks preggy here ๐Ÿ˜Š Kausapin mo na lng ng maayos sis. Baka di nya lang talaga alam na madali lang maubos ang pera sa mga gastusin sa bahay.

Magbasa pa

Ako sis, sinasama ko sya kapag naggrocery kami tas a day before ng sweldo nya nagcocompute na ko ng gastos tas pinapakita ko sa knya. Hindi naman sya nagdududa saken na ganon kalaki minsan ang expenses namin kasi before ako magresign dahil buntis ako, almost same na din. Sabi nila masama daw laging nagkekwenta, pero ginagawa ko yun para alam nya hehe wala na lang sya masabi kundi OO lang.

Magbasa pa

Kaya ayoko rin tumigil sa pag tatrabaho eh kay ayokong humingi, although lahat ng sahod niya binibigay naman niya lahat sakin kasi may allowance naman siya. Yun lang pinanggagastos niya. Malayo siya samin ng mga bata kasi. Usap nalang po kayo ng masinsinan po regarding sa concern niyo. Wala naman pong di malulutas sa mabuting usapan. Mahirap pag pera na pinag aawayan ng mag asawa.

Magbasa pa

blessed nmn ako sa hubby ko when it comes sa money. khit di ako mag hingi lahat binibigay kukuha lang xha pang gastos nya akin n lahat.. but of course di ko ginagalaw binabalik ko din sa kanya pag naubos na budget nya. di ko rin nmn need kasi sa parents nya kami nkatira wla nmn ako pag ggastusan mliban sa diaper ni lo.. pero every cutoff bumibili kmi kya di ko din tlga kailangan

Magbasa pa

Ilista mo lahat ng bilihin nyo mommy at kung mag kano, pag nagtanong si mister kung saan napunta ang pera ibigay mo sakanya para hindi sya tanong ng tanong kung saan napupunta ang sinasahod nya. Minsan nga kulang pa sinasahod nila sa gastusin ng bahay nagreklamo ba tayo hindi naman mas binabudget nga natin eh, kasi naiintindihan natin yung pagod nila sa pagtatrabaho.

Magbasa pa

Ganyan po ako sis. Pero mas maganda, update mo din siya kung ano yung mga kailangan niyo or mga bibilhin. Para di siya naghahanap, then samahan muna kung magkano lahat ng magagastos niyo. Ganyan po kasi ginagawa ko, para aware din kasi siya. Para po di niya ko hanapan kung san napupunta sweldo niya. Hehehe lahat kinukwenta ko, kada sahod niya.

Magbasa pa
5y ago

Hahaha c partner din,pero naglilista parin ako para cgurado...hirap kaya magtrabaho tapos lulustayin lang..๐Ÿคฃ