House wife

Naiinis ako sa mister ko dahil parang lagi nalang nya akong pinagdududahan sa pera, lagi nyang tinatanong kung bakit yun nalang yung natira sa budget namin pang -araw-araw. Hindi na nga ako gumagastos ng para sa sarili ko, lahat para sa pagkain namin at mga gamit sa bahay. Kaya naiiyak nalang ako sa sama ng loob. At sinasabi ko sa kanya na kung wala syang tiwala sakin pagdating sa pera sya na ang bumili ng lahat ng kailangan ko dito sa bahay pag umaalis sya. Wala pa akong kinikita sa ngayon dahil 8 months preggy ako.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napaka emotional natin lalo na pag buntis, or kahit nga hindi basta nasaktan tayo iniiyak nalang natin.. Ganito po momsh... Lista mo po lahat ng expenses niyo kapag may binili ka or pagmagkasama kayo sya ipaabot mo ng bayad para alam niya magkano nlang sukli. Ganyan po ginagawa ko sa padala ng mister ko, yung resibo at yung walang resibo sinusulat ko kung magkano para walang duda. Sinesend ko pa picture sakanya para mkasigurado sya at makampante rin tayo❤️.

Magbasa pa