House wife

Naiinis ako sa mister ko dahil parang lagi nalang nya akong pinagdududahan sa pera, lagi nyang tinatanong kung bakit yun nalang yung natira sa budget namin pang -araw-araw. Hindi na nga ako gumagastos ng para sa sarili ko, lahat para sa pagkain namin at mga gamit sa bahay. Kaya naiiyak nalang ako sa sama ng loob. At sinasabi ko sa kanya na kung wala syang tiwala sakin pagdating sa pera sya na ang bumili ng lahat ng kailangan ko dito sa bahay pag umaalis sya. Wala pa akong kinikita sa ngayon dahil 8 months preggy ako.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nung first month namin mag asawa hinahanapan niya ko ng pera sa dalawang cut off niya. Naiinis ako pag pinagtatanungan din ako, kasi saan ko naman dadalhin yun diba? Haha kaya ang ginawa ko, gumawa ako ng income tracker at expense tracker sa isang malaking notebook. Pati narin salary breakdown, para alam nya kung saan napupunta ang sahod niya at ano ung perang pumapasok at nawawala sa amin. Nakakarindi kasi paulit ulit siya "magkano nalang pera? Saan napunta ang ganito ganyan?" Oh ngayon, pag nagtanong siya, alam na niya. At alam narin niya kung magkano lang ang pwede namin gastusin at magkano nalang ang natitira 😊😊

Magbasa pa