Pag Wala pera wag maghanda.

Maglabas Lang ako sama Ng loob Hayssst! Nabubwisit ako sa kapatid Ng Mr ko !! Kung Wala sila pera wag sila maghanda Halos lagi nalang samin manghingi Ng pang Pansit pag bday Ng Mga anak nya , Hingi talaga Hindi utang ano ba Yan Lahat nalang e!! Ang tatakaw mga tamad Lakas manigarilyo pero Wala panghanda sa bday Ng anak.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Kung pampansit lang naman mommy, I think okay lang naman yun dahil pamangkin din naman sila ng hubby mo. Parang yun na lang yung pinaka gift sa mga bata. Sa amin kasi tuwing birthday ng mga kids nagbibigay kami tapos yung sister ko na favorite yung LO ko every occasion meron. Siguro kung tight ang budget nyo ngayon mommy, si hubby ang kausapin mo regarding that at ipaintindi din sakanya yung sentiments mo.

Magbasa pa
VIP Member

May mga tao talaga sis na nasasanay kase may nakunsinti. Try mo din pagsabihan ang hubby mo na taghirap ngayon. Kelangan din kayo magtabi ng para sa inyo.