Please read po, I really need answers
Hello mommies! Please read my long story po, need ko po ng advice, based on science man or superstition. May 1month old baby po ako. Sa ngayon habang nag iipon ng pampatayo ng bahay, nakatira kami sa bahay ng mga in-laws ko sa City, pero saamin ang first floor, second floor sila. Wala naman pong problema sa in-laws ko, sobrang mababait sila. Simula noong pinanganak si baby, doon na kami na istay, ok naman routine namin, nakakaya ko kahit ako lang mag isa kasi mabait naman sya. Yung parents ko naman po, nakatira sa kabilang bayan, minsan umuuwi kami doon ni baby, natutulog din kami doon, mga 1 week ganon, tapos uwi din sa City. Nitong last week ng October, health break ng mama ko, (teacher sya), umuwi kami sa amin para makasama naman po nya apo nya. 1 week. Ok naman, sobrang ganda ng tulog ni baby, gigising lang yan pag dedede, consistent every 2 hours, tapos may 1 to 2 hours na gising twice a day para mag laro. Sobrang Ok ng routine nya. Umuwi kami ng Nov 1 sa City, hindi na sya makatulog, iyak ng iyak, pagbaba palang namin ng kotse, nag simula nang magbago mood nya, naaawa na nga po ako. Makakatulog syang buhat ko, pero gigising din na umiiyak. Simula umuwi kami Nov 1, Nov 3 na ngayon, tuloy tuloy na ganon sya, parang nagkaroon na nga rin ng eyebags sa kaiiyak at walang tulog🥲 Hanggang nag decide ako na bumalik muna sa bahay ng parents ko, nagbyahe kami ulit kaninang hapon, pagsakay namin ng kotse paalis sa bahay, bigla syang natulog na, hanggang makauwi kami dito, tuloy tuloy na ulit tulog nya huhu Ano pong nangyari, bakit ganon kaya.


