Anong Opinion Nyo Mga Sis?

nagdadalawang isip kasi ako kung isusunod ko ba sa last name ng father nya o sakin nalang, tutal tinalikuran nya naman kami at nakuha nya pang mambabae ni hindi sya makapag suporta sa pagbubuntis ko. Hindi din nya kinakamusta manlang pagbubuntis ko. as in balewala lang kami sakanya pero nakakapag myday sya ng picture ng ibang babae with puso puso pa. hindi ko din naman sigurqdo kung pupunta sya pag manganganak na ako. ayaw nya namang maging involve samin ng baby ko, so tama lang na hindi ko i-apelyedo sakanya si baby, wala din namang mamanahin si baby sa future

Anong Opinion Nyo Mga Sis?
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Single mom din ako pero para sakin we should try at least na itanong sa father kung ipapagamit niya ba surname sa bata ano man ang status lalo na kung may communication pa at nahahagilap pa siya. Kasi ang dapat sa mga lalake na ganyan tinuturuan ng leksyon. Pwede kasi siya makasuhan at makulong kapag walang support na binibigay sa bata. Kailangan lang ng patunay na siya ang tatay through birth certificate or DNA test. Ako kasi di ako papayag na ang sarap ng buhay niya samantalang parehas naman namin ginawa to tapos ako lang ang nagsasuffer. Pag di mo kasi siya binigyan ng leksyon, patuloy pa rin siya sa gawain niyang ganyan kasi pinalampas mo. Well, just my opinion. Nasa sayo pa din naman yan momsh.

Magbasa pa
6y ago

Ako naman Hindi na. Maayos naman kausap si spermdonor ko. Alam namin parehas ang batas. Wala na nga sya emotional and moral support. Pati b nman financial support Wala? Di na ako papayag nun.