GIVE ME YOUR ADVICE PLEASE!

May husband po ako sobrang bait nya po hindi nya ako sinasaktan o pinagsasalitaan ng masama kahit galit po sya. At never nambabae, hindi umiinom ayaw nya daw tumaba kasi magbabasket pa sya lol, never din naninigarilyo as in sobrang bait talaga pero ang problem ko po sakanya is palagi nalang nagbabasket as in everyday malapit lang naman yung court dito ilang lakad lang, pero mas binibigyan nya ng oras ang basket kaysa samin. (Binibigyan naman kami ng oras pero di katulad sa basket) One time po nagalit po ako sakanya kasi pinapabantayan ko po yung anak namin sakanya galing sya sa basket kasi sabi nya "teka muna". Tapos nasigawan ko po sya ng "Umuwi ka sa inyo wag ka ng babalik dito kung wala ka namang silbe!" nagalit po sya at sa harap pa ng kaibigan ng kapatid ko. Para po syang napahiya e hindi ko na nakontrol ang emosyon ko kasi sobrang stress na din. Umuwi talaga sya sa sakanila tapos ilang days cinontact ko po sya tapos ayaw nya pong mag reply or mag answer ng calls. As in wala po talaga. Tinry ko po open yung fb acc nya. Panay search po sya sa fb ko tapos nanonood din sya ng myday namin ni baby. Pero wala man lang paramdam or reply as in ignore talaga. Ano po ba ang dapat kong gawin? Should I give him space muna?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Skl din mii, si hubby ko nga mahilig talaga tumagay with his friends man, officemate's or sa mga relatives nila. Ganyan na siya simula pa ng gf/bf palang kami, until now he also promised na Hindi na siya iinom kapag andyan si baby, nope, my instinct is always right di naman siya nagbago pero ge provides, may oras siya samin ni baby, minsan kapag pagod na ako kakabantay dahil sa puyat at pagtimpla ng gatas sa buong gabi, since di kami tabi matulog kasi humihilik siya kaya sa labas sa may salas natutuog, kinaumagahan siya na yung kukuha Kay baby, minsan painit sa araw tapus pasok na siya sa work niya kapag naman weekend at pagod din ako siya na yung magbabantay whole day Kay baby. Pero kapag minsan nagpapaalam siya pumapayag ako kapag nagtanong ako anong oras uuwi sasabihin mga 11pm uuwi, uuwi talaga siya. Siguro si hubby mo di parin nakakatakas sa ugaling binata niya ganyan talaga silang mga lalaki, pero kausapin mo lang ng maayos if ever na siya mismo mag reach out sa inyo, kasi kung mabuti siyang tao at tatay iisipin niya ang baby niyo para mgkaayos kayo, kahit para sa baby niyo nalang. Fighting lang mii, ganyan talaga siguro ang buhay, nasa acting mga Nanay ang buhay ng mga anak natin, be strong lang!! God bless! 💗💗💗

Magbasa pa

Nahh wag mo suyuin yan jusko pagod kana sa pag aalaga ng bata buti nga sya nakapag basketball pa masasanay yan pag inamo mo hayaan mo syang kusang mag palamig, alam nya dapat yan na need din nyo ng oras di porket binibigay nya sayo mga pangangailangan eh hahayaan mo syang ganyanin ka. About naman dyan sa good provider sya or wala syang bisyo BARE MINIMUM yan sis dapat naman talaga ganyan sya di mo utang na loob yan. Trust me ganyan ko nahawakan sa leeg partner ko sobrang gago at babaero tignan mo ngayon alam nya limitasyon nya sya pa sumusuyo gago ba sya mas mahirap mag alaga ng bata wala tayong day off. Hayaan mo syang suyuin ka wag kang mag habol.

Magbasa pa

Pasyalan mo na kasama anak neo at sunduin. Mas sweet yan na gagawin mo kesa hayaan lng sya at bigyan ng space. Sabi mo naman na mabait sya at walang bisyo, san kpa mkakahanap ng lalaking ganyan, mamaya may ibang girl na mkadiskubre sakanya at hnd sya pakawalan ikaw din ang magsisisi sa huli.

Yes po. Give him space muna, baka mainit pa po ang ulo dahil sa nangyari. Sa susunod po mommy, pigilan rin po natin ang emosyon natin. May passion po syang gustong gawin at pinipilit nya pong pagsabayin ang pamilya at gusto nyang gawin.

Yes give him time muna. Kusa syang uuwi or mag-reach out pag nahimasmasan. Parang bisyo niya lang din yang basketball,pag nakapag-isip isip yan babalik yan pero kung hindi alam na.

m

Post reply imageGIF

n

Post reply imageGIF