Anong Opinion Nyo Mga Sis?

nagdadalawang isip kasi ako kung isusunod ko ba sa last name ng father nya o sakin nalang, tutal tinalikuran nya naman kami at nakuha nya pang mambabae ni hindi sya makapag suporta sa pagbubuntis ko. Hindi din nya kinakamusta manlang pagbubuntis ko. as in balewala lang kami sakanya pero nakakapag myday sya ng picture ng ibang babae with puso puso pa. hindi ko din naman sigurqdo kung pupunta sya pag manganganak na ako. ayaw nya namang maging involve samin ng baby ko, so tama lang na hindi ko i-apelyedo sakanya si baby, wala din namang mamanahin si baby sa future

Anong Opinion Nyo Mga Sis?
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oo, ako hindi ko isusunod sa biological father niya. Lalaki siyang walang middle initial yun lang yun. Kaya ko naman maging nanay at tatay sakaniya katulad ngayon. Ako nga gumawa na agad ng letter sa ospital na hindi ko pinapayagang isunod ang apilyido ng biological father niya sa anak ko atsaka aware na g munisipyo. Ganun ako ka secure sa magiging baby ko. Ni unang letra ng pangalan ng anak ko hindi niya malalaman.

Magbasa pa