kapit pa o bitaw na?

Nagbreak kami dahil napagod na sya. I tried to fix our rel. Inamin ko lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko at naramdaman ko din yung halaga nya when its too late na. Then biglang may gf na daw sya. Alam ng gf nya na sinusubukan ko pang magkaayos kami ng ex ko dhil bukod sa mahal ko ay para din sa anak namin. Pero never syang pumalag at balak pa ako iblock sa account ng ex ko kung hindi tungkol sa bata ang ichachat ko. Tinanong ko si ex kung may nararamdaman bang konsensya o guilt yung gf nya na halos magmakaawa na ako mabuo lang kami uli, bakit di pa sya kusang lumayo/dumistansya. Hindi daw, wala daw nararamdamang ganun. Hindi alam ng gf nya na may maayos pa kaming communication ng ex ko at kung minsan naglalandian pa. Sinabihan din nya ako na kapag hindi sila magwork, sure daw na sa akin sya babalik. Yung gf nya ngyon, lahat binibigay at sinasakripisyo sa kanya. Lahat ng mga bagay na dapat ako ang gumawa, dun nya naranasan. Patay na patay, kumbaga. Without knowing na kahit sila na, may nangyari pa sa amin ng ex ko at binibigyan pa ko ng tips para magbago like "kung gusto mo ako bumalik sayo, ganito kasi gawin mo.. blablabah..." Ngayon, tinigil ko na ang landian kahit mahal ko pa. Naging cold na ako sa call at chats. Hindi naman kami kasal. Question is, tama bang kumapit pa ako at ituloy yung patagong paglalandian namin para sa kpakanan ng anak namin na may buong pamilya? O bitawan ko na sya at hayaan na lang kung babalik pa sya o hindi na, eh bahala na. Real talk advice po pls. Ps. To all the girls, dont be the reason why the other girl is crying on sleepless nights and why an inosent child is growing up fatherless. :(

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bitaw na. Ikaw ang actually ngaun ang parang nakisawsaw mamsh. Dont be offended pls. In the first place , di po kayo kasal, that gave him the reason to find someone na maging gf again. Kung nagkaanak kayo moral obligation is to the child not you at all. If u settle like that, then you are the reason also u are hurting unconsciously other woman crying, sila na ,pero anjan kapa? Thats selfish, its not for the child at all, it involves landian, its for you. Distant yourself, you are also trying to ruin their relationship now. Walang dapat buohin sa inyo, kasi ang lalaki dpat gumawa ng paraan mabuo kayo. Wag mong paramdam sa girl na nag eexist kapa, dahil di kayo kasal, sorry .. the obligation is ONLY for the kid, not for you, esp. choice mo din maging third party, break na kayo. So pls, if your crying, its not bec its the present gf, its YOU. Ikaw ang third party. So pls dumistansya ka, coz youre barking in a wrong tree mamsh. Ang pagbuo ng pamilya ay for people na kinasal, dahil yun.. walang reason na magbreak na walang malalim na rason. If you are a woman na may paninindigan be a mom, dont act as if kawawa ka, dahil, nasa sarili mong post ang dapat magiging sagot mo, yeah. Do the PS. Sa ex bf mo namang two timer, mabuti nakatagpo sya ng tulad mo at tinanggap mo din ang set up na yan. :) Landian and patago. Pero kung may anak kayo tapos nagkaroon sya ng iba, or nagbreak kau at pinapaliwanag mo naramdaman mo kahit ano paman, walang karaptan na di mo ipaglaban yan, sa mata ng Dyos at batas ng tao.... ang pagpapakasal ay tanda ng panghabambuhay na pagmamahalan at commitment na panghabamhuhay. Move on te, pasuportahan mo anak mo sa bf mong nagtatake advantage ngayon sa weakness mo. Wag mong iinsist ang pagiging pamilya, dahil kung pamilya pinaglalaban mo,.hindi dpat ikaw lamg lumalaban , pati si lalaki. Di kayo kasal, normal na magagalit ang girl, hindi naman yan kasalanan ni gf kung nagtatago kayo eh! Mas masakit sa gf kung malalaman nya nag eexist kapa, despite sa ginawa nya at pagtananggap sa lalaki. Focus ka sa anak mo. Hope u will not be offended. this is reality, try also to think about the other feelings involved. Masakit yan kay girl mamsh nagtatago kayo tapos tonolerate mo pa.

Magbasa pa
VIP Member

Ika nga sa kasabihan ng nakararami. "Huwag mong basta bibitawan kung ayaw mong makita maging hawak na ng iba." Minsan ksi tayo mga girls aminin man natin o hindi may ugali tayo na kapag ginusto natin basta basta lang tayo nagbibitaw ng salita without knowing kung ano ung magiging effect. "Don't make permanent decisions when you're mad." Kasi di talaga siya maganda lalo kung mahimasmasan kna after ng galit mo sa taong un. Bakit ko nasasabi ung ganto? Been there done that I learned my lesson na din at husband ko na siya ngaun 😍. Hindi sa lahat ng pagkakataon e kaya ka pagpasensyahan nung tao kahit mahal na mahal ka o mahal mo. Kaya kung ako sayo girl stop mo na yan communication niyo na yan kasi kung talagang mahal ka niyan babalik siya sayo once may marealized siya nasaktan din siguro at some point yan ksi sa ginagawa mo yan mas pinapahirapan mo lang sarili mo ang ending ikaw nagiging mukang desperada sa storya na dpat ikaw ang bida kung di bumalik edi sabihin mo THANKYOU, NEXT! Pero ung suporta sa bata ibigay kamo😊 atleast nasayo anak mo focus kna lang sa knya.

Magbasa pa

Bitaw na. I know I might sound harsh. Sorry to burst your bubble pero walang pamilya na ganyan ang setup. Alam ko na mahal mo pa yung lalaki kaya ka pumapayag na ganyan pero hindi mo ba narirealize kung gano siya kawalang kwenta? Nagchicheat siya sa gf niya para sayo. Kung magkabalikan man kayo in the future, isipin mo nalang na kaya niyang gawin yun sayo at laging may babae na kagaya mo na willing sumasawsaw sa may karelasyon na. Wala kang pinoprotektahang pamilya in the first place dahil never kayong magiging pamilya kung may iba siyang girlfriend. Think about your child. Ganyan bang pamilya gusto mong kalakihan niya? Alam ko mahirap bumitaw sa ganyang relasyon lalo na pag mahal na mahal mo yung tao pero isipin mo nalang na hindi mo yan deserve. Deserve mong marespeto. Deserve mong mahalin ng ikaw lang. Wag ka na magtry makihati pa sa atensyon ng iba dahil wala yang magandang patutunguhan.

Magbasa pa
VIP Member

Gusto nyo po ng makatotohanang sagot momsh? Based po sa statement nyo, hindi nyo po ginagawa yung mga bagay na yan para sa anak mo. GINAWA MO YAN PARA LANG SA SARILI MO. Bakit kung kailan naghiwalay kayo at may bago na sya saka ka magbabago? Dapat simula palang kung alam mong mali sayo sana tinama mo na. Hindi kasalanan ng GF nya ngayon kung walang tatay ang anak mo. Kasalanan nyo po yan. And momsh, galangin at respetuhin nyo naman po yung sarili nyo. Bakit kailangan pumayag ka sa ganung set up nyo ng EX mo? Desperada lang? Respetuhin mo din po yung GF nya ngayon and mag move on na po kayo. Alam ko masakit at mahirap makita na yung taong mahal mo ay hawak na ng iba, pero hindi tama ang kumapit pa sa taong wala ng kasiguraduhan. Ginagawa ka nyang option momsh, payag ka sa ganon?

Magbasa pa
VIP Member

Real talk b sis?ok Magtigil ka sa pakikipaglandian sa ex mo dhl wala n kau at may karelasyon na..kung tlgang mahal ka babalikan ka pro hnd eh.nag stay p dn cia sa gf nia..gnagawa k lang niang parausan!.sorry for the term pro I think that's the exact word..masakit man pro bitiw na.walang patutunguhan yan..hnd nmn kau kasal kaya ang tanging habol mo lang sustento ng anak niu..babae ka..at alm mo ang pakiramdam ng niloloko..wag kang maging dahilan ng pag-aaway at paghihiwalay nla..ex kn eh..wala n kau!.mat gf n cia..tama na..respect yourself..magfocus ka sa baby mo.May darating jan na para tlg sau..kung cia un maghintay kn lang ng tamang panahon..sa ngayon, manahimik kn..There are so many fishes in the ocean..pray..wait..trust the Lord..God bless☺️

Magbasa pa

Mej nainis naman ako s ex mo, feeling pogi. Sinasabi nya sayo na ikaw ang plan b nya, kung hindi sila mag work babalik sya sayo. Payag ka ba nun? Plan B ka? Bakit ka mag titiis maging back up kung makakahanap ka pa naman ng iba na ikaw ang priority. BS na kasi para sa akin yun mag babalikan or mag sasama para sa bata. Kids are innocent but don't underestimate their capability to understand. Alam nila pag di ka mahal, alam nila pag di mo pinahahalagahan ang sarili mo. Is that a lesson you want to teach your child? To settle for less? Let it go. Ikaw man yun may kasalanan sa hiwalayan nyo, hindi mo deserve maging plan b. Reflect on your mistakes, learn from them tapos apply mo yun natutunan mo sa susunod mong maging relasyon. 🙂

Magbasa pa

Bitaw n po...magkarun k po ng respeto s sarili m...masyado m n bnaba ung pride m sknila...ngmakaawa kn...to the point n parang ikaw p ung mistress kc d alam ng jowa nia n may ngyari pa sainiu ng ex m....at itong ex m dn gago (sorry s word) hndi nia kc kaya panindigan kng cnu pinili nia ....ang ending mukhang pngllaruan nia kau...kc d nya kaya kumalas ng totoo sau...d rin nia kaya magpakafaithful dun s bago nia....kaya tama nlang po....ipaglaban m nlang ung karapatan ng baby niu (sustento/suporta) kc kaw dn mahhrapan nian...emotionaly..financialy...at kwawa tlga ang baby....kaya bitaw n po..soon ipaliwnang m nlang s baby niu kng bakit ngkaganun family niu....gudluck po sau...sna masolve n prob m..😊

Magbasa pa
VIP Member

Bitaw na! Respeto nren s sarili mo, ex mo n nga peo ngkaron p kaio ng landian etc.. Qng dpat pra s bata, dpat un nlng ang intension mo s ex mo nothing more nothing less.. Out of d picture k nren xe EX mo nga xa db at hwalay n kaio ng mgka GF xa so prng lumalabas dn n patay n patay ka s Ex mo xe go k pren sknia khet wla n kaio.. Xmpre c GF ayw lng dn ng gulo kya prang gsto kang iblock.. Wg mo sbhen n wla b konsensxa c Gf.. Xe qng pra saio ee pra s anak nio lng dpat un lng focus mo s tatay nia.. Qng mahal k ng EX mo babalek at bblek yan saio gnun lng un hnd kn nia dpat cnsbhan ng 'qng gsto mo bumalek aq saio ganto gwen mo' and so on.. BITAW NA!

Magbasa pa

Momsh hindi yung isang babae yung kontrabida or dapat na kamuhian mo kundi yung ex mo. Unang una biktima din siya kasi pinafall siya ng ex mo, hiwalay na kayo nung naging sila di ba kahit pa sabihin mong tinatry mo pang habulin. Di ako bias dito momsh kasi parang pinapaikot kayo parehas nung ex mo and mukhang nageenjoy siya na pinagaagawan siya. Ipaglaban mo nalang yung sustento ni baby kasi karapatan niya yon. Sana makamove on ka na din para na din sa sarili mo. Self love goes a long way ❤focus ka muna kay baby, mas need niya love and attention mo. pray din for His guidance 🙏

Magbasa pa

Andun yung sagot sa unang sentence ng PS mo. Kung wala na kayo ng ex mo at may GF nman pla sya, distansya ka nlang kahit may anak kayo. Alam mo ginagamit lang kayo parehas nung lalaki, habang sila nung GF nya may nangyyari sa inyo hindi ba sya nakkonsensya dun? Kung babalik at makikipag ayos yan sayo para mabuo pamilya nyo sya gagawa ng paraan hindi ikaw. Iiwanan nya yung gf nya ngayon at aayusin nya ang sa inyo hindi yung habang may GF sya nilalandi ka nya. Hindi sapat na dahilan yung nagkulang ka o sya, kung mahal ka at gusto makipagbalikan aayusin nya ang dapat ayusin.

Magbasa pa