kapit pa o bitaw na?

Nagbreak kami dahil napagod na sya. I tried to fix our rel. Inamin ko lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko at naramdaman ko din yung halaga nya when its too late na. Then biglang may gf na daw sya. Alam ng gf nya na sinusubukan ko pang magkaayos kami ng ex ko dhil bukod sa mahal ko ay para din sa anak namin. Pero never syang pumalag at balak pa ako iblock sa account ng ex ko kung hindi tungkol sa bata ang ichachat ko. Tinanong ko si ex kung may nararamdaman bang konsensya o guilt yung gf nya na halos magmakaawa na ako mabuo lang kami uli, bakit di pa sya kusang lumayo/dumistansya. Hindi daw, wala daw nararamdamang ganun. Hindi alam ng gf nya na may maayos pa kaming communication ng ex ko at kung minsan naglalandian pa. Sinabihan din nya ako na kapag hindi sila magwork, sure daw na sa akin sya babalik. Yung gf nya ngyon, lahat binibigay at sinasakripisyo sa kanya. Lahat ng mga bagay na dapat ako ang gumawa, dun nya naranasan. Patay na patay, kumbaga. Without knowing na kahit sila na, may nangyari pa sa amin ng ex ko at binibigyan pa ko ng tips para magbago like "kung gusto mo ako bumalik sayo, ganito kasi gawin mo.. blablabah..." Ngayon, tinigil ko na ang landian kahit mahal ko pa. Naging cold na ako sa call at chats. Hindi naman kami kasal. Question is, tama bang kumapit pa ako at ituloy yung patagong paglalandian namin para sa kpakanan ng anak namin na may buong pamilya? O bitawan ko na sya at hayaan na lang kung babalik pa sya o hindi na, eh bahala na. Real talk advice po pls. Ps. To all the girls, dont be the reason why the other girl is crying on sleepless nights and why an inosent child is growing up fatherless. :(

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ika nga sa kasabihan ng nakararami. "Huwag mong basta bibitawan kung ayaw mong makita maging hawak na ng iba." Minsan ksi tayo mga girls aminin man natin o hindi may ugali tayo na kapag ginusto natin basta basta lang tayo nagbibitaw ng salita without knowing kung ano ung magiging effect. "Don't make permanent decisions when you're mad." Kasi di talaga siya maganda lalo kung mahimasmasan kna after ng galit mo sa taong un. Bakit ko nasasabi ung ganto? Been there done that I learned my lesson na din at husband ko na siya ngaun 😍. Hindi sa lahat ng pagkakataon e kaya ka pagpasensyahan nung tao kahit mahal na mahal ka o mahal mo. Kaya kung ako sayo girl stop mo na yan communication niyo na yan kasi kung talagang mahal ka niyan babalik siya sayo once may marealized siya nasaktan din siguro at some point yan ksi sa ginagawa mo yan mas pinapahirapan mo lang sarili mo ang ending ikaw nagiging mukang desperada sa storya na dpat ikaw ang bida kung di bumalik edi sabihin mo THANKYOU, NEXT! Pero ung suporta sa bata ibigay kamo😊 atleast nasayo anak mo focus kna lang sa knya.

Magbasa pa