kapit pa o bitaw na?

Nagbreak kami dahil napagod na sya. I tried to fix our rel. Inamin ko lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko at naramdaman ko din yung halaga nya when its too late na. Then biglang may gf na daw sya. Alam ng gf nya na sinusubukan ko pang magkaayos kami ng ex ko dhil bukod sa mahal ko ay para din sa anak namin. Pero never syang pumalag at balak pa ako iblock sa account ng ex ko kung hindi tungkol sa bata ang ichachat ko. Tinanong ko si ex kung may nararamdaman bang konsensya o guilt yung gf nya na halos magmakaawa na ako mabuo lang kami uli, bakit di pa sya kusang lumayo/dumistansya. Hindi daw, wala daw nararamdamang ganun. Hindi alam ng gf nya na may maayos pa kaming communication ng ex ko at kung minsan naglalandian pa. Sinabihan din nya ako na kapag hindi sila magwork, sure daw na sa akin sya babalik. Yung gf nya ngyon, lahat binibigay at sinasakripisyo sa kanya. Lahat ng mga bagay na dapat ako ang gumawa, dun nya naranasan. Patay na patay, kumbaga. Without knowing na kahit sila na, may nangyari pa sa amin ng ex ko at binibigyan pa ko ng tips para magbago like "kung gusto mo ako bumalik sayo, ganito kasi gawin mo.. blablabah..." Ngayon, tinigil ko na ang landian kahit mahal ko pa. Naging cold na ako sa call at chats. Hindi naman kami kasal. Question is, tama bang kumapit pa ako at ituloy yung patagong paglalandian namin para sa kpakanan ng anak namin na may buong pamilya? O bitawan ko na sya at hayaan na lang kung babalik pa sya o hindi na, eh bahala na. Real talk advice po pls. Ps. To all the girls, dont be the reason why the other girl is crying on sleepless nights and why an inosent child is growing up fatherless. :(

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Gusto nyo po ng makatotohanang sagot momsh? Based po sa statement nyo, hindi nyo po ginagawa yung mga bagay na yan para sa anak mo. GINAWA MO YAN PARA LANG SA SARILI MO. Bakit kung kailan naghiwalay kayo at may bago na sya saka ka magbabago? Dapat simula palang kung alam mong mali sayo sana tinama mo na. Hindi kasalanan ng GF nya ngayon kung walang tatay ang anak mo. Kasalanan nyo po yan. And momsh, galangin at respetuhin nyo naman po yung sarili nyo. Bakit kailangan pumayag ka sa ganung set up nyo ng EX mo? Desperada lang? Respetuhin mo din po yung GF nya ngayon and mag move on na po kayo. Alam ko masakit at mahirap makita na yung taong mahal mo ay hawak na ng iba, pero hindi tama ang kumapit pa sa taong wala ng kasiguraduhan. Ginagawa ka nyang option momsh, payag ka sa ganon?

Magbasa pa