Buntis ba?

Yung kapatid ng hubby ko tinatanong nya sakin kung buntis ba yung gf nya. Sabi nya natural ba daw sa buntis yung may malagkit na white na lumalabas. Sabi ko kahit di naman buntis may lumalabas. Tas nung kelan lang sinend nya sakin yung picture na to kasi sabi ko Mag-pt GF nya para sure kung buntis ba tas ito nga yung result. Sabi ko negative hindi sya buntis. Tas parang galit pa sya sya na nga tong nagtatanong. Sabu nya 2months na daw walang regla gf nya sabi ko punta nalang sya ng ob pacheckup nya gf nya di naman ako doctor para malaman kung ano nangyayari sa gf nya

Buntis ba?
103 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

negative,, non of the three has a blured sign of another line that will confirm its positvity, why not take a syrum test( blood test)? to check if its + or -.. if positive then go to the nearest OB-GYNE ..🤔🤔🤔

Negative po yan. Baka kaya sya nagagalit nag eexpect sila na makabuo. Minsan ang delayed ng period are due to stress, irregular mens or my health problem. Ipaconsult n lang nya ung gf nya sa OB 0ara malinawan sya.

Magbasa pa

Klaro naman na negative.. Ni walang bahid ng guhit ung T (test) common sense nalang po. Tatlong test na yan. Kung gusto mo pa maging sure kayo dalhin sa OB yong babae. Tsk tsk.

negative yan. basahin kamo ang instructions sa pregnancy test, para alam nila na pag isa lang ang guhit negative kamo. wala naman din akong matanaw na faint line.

Negative po.meron po ganyan.may kilala nga po ako 4months na di nereregla,akala nga eh buntis.ayon nagpa checkup di na man buntis.may prblima siya sa UTI.

VIP Member

Negative po sa PT momsh! Tama ka naman better kung magpa check up sila sa OB ganung 2months ng walang dalaw gf nya. Baka need syang magpa ultra-sound

Much better po magpacheck up yung girlfriend nya kasi may mga katrabaho ako na laging 1month or more delay then nung nagpacheck up may PCOS.

VIP Member

Negative po momsh. Bakit naman po sy magagalit sainyo, baliw po ba sya? Parang kasalanan nyo pa po na hindi buntis ang GF nya 😅

Pano pag nag PT ka at may faint line, tapos inulit mo ng ibang araw pero negative na sya wala ng faint line. Pano kaya yun..

VIP Member

Negative. Pero mas better tlga magpa check up sya sa ob pra ma advise sya for lab. Don malalaman kung tlgang preggy sya.