English-speaking or Tagalog-speaking?
Hello mys. I'm a FTM and pinagiisipan ko na kung palalakihin ko ba ang baby ko na English-speaking o Tagalog-speaking. Sa opinion niyo, mys? Saan magkakaroon ng advantage ang kids? Share your thoughts below. :)

Mas may advantage po talaga kapag exposed na at an early age sa english language ang bata lalo na po most of the subjects ang mode of instruction in english even simple instructions nga eh pero mas madali po kasi yun matutunan kesa sa tagalog. So, pwede sigurong unahin nyo po muna yung tagalog lalo na sa pre-school years nya. Di naman kasi lahat ng bata na makakasalamuha nya kayang makipag communicate in english agad. At importante po yung communication sa socializing nila on their first years of schooling. May mga pinsan kasi ako ganyan e, kakanuod lang ng peppa pig na-adapt nila so super englishera sila with British accent pa kaso mahirap kapag exam na sa Filipino palagi silang failed kasi hindi nila maintindihan, nakakaintindi siguro pero yung response kasi nila in english pa rin tapos kahit sa private school nga sila kaso tagalog pa rin naman yung gamit ng ibang bata so hirap pa rin sa kanila makipag-usap. Anyway, may new mandate naman po ngayon ang DEPED since nagstart yung Kto12, ngayon po from KtoG3 dapat mother tongue po yung gagamitin sa eskwelahan ng mga teachers na language of instruction so since nasa Manila tayo, Tagalog po talaga. Depends din po siguro kung ipa-private nyo yung bata all throughout.
Magbasa pa
