HELP Mommies!
Hello mommy. Medyo mahaba po ito. Need ko po opinion nyo po ano dapat ko gawin sa pinsan ko na lalaki na 14y/o. I think he has behavioral problem. Ito po mga situation na nangyari. By the way, I have a 7month old baby. 1st episode - Tinamaan po kami ng bagyong Odette. 1 month po walang kuryente. Sa sala po lahat kami natutulog that time kasi sobrang init. So yung baby ko po iritable at nagising ng hating gabi. So yung pinsan ko po nagalit, nagwala. Pinagtutumba po mga gamit sa lamesa kasi naingayan po sya. Kinabukasan po, kakagising lang po namin ng anak ko. Nagpaputok po ng triangle sa bintana kung san kami nakapwesto. Nagulat po anak ko. 2nd - tinoyo na naman sya. Nag aaway sila ng mama nya. Napagsabihan lang sya. Galit na galit na. Pinagtatapon yun mga gamit sa lamesa. Kinuha yung bread knife. Nagkalamat ang lamesa. Iniscratch nya ng mahaba halos mabali na yung knife. Narinig ko may sinabi sya na kaya ko kayong "anuhin". Yung ina nya pa ang nagsorry sa kanya. 3rd. Pag ayaw nya ang pagkain lalo galing sa amin. Pinapakain nya sa aso o tinatapon nya. 4th Magkausap lang kami ng mama nya. Akala nya sya pinag uusapan. Aba. Tinoyo na naman. Kumuha ng dos por dos na kahoy. Tapos sabi ng ina huwag ko daw lalapag anak ko sa may sala. Nenerbyos ako. Parang wala lang sa ina..hindi nya kaya disiplinahin anak nya. 5th. Ito ngayon lang nangyari. Sa kahoy po kasi sila nagluluto. So yung anak nya, nagpapaapoy lahat ng usok napunta na sa kwarto. So sumigaw ako sa bintana na ganun nga. Ang ginawa nya, lumipat sa tapat ng bintana namin. Kumuha ng mga papel at kahoy doon nagpaapoy at pinaypayan nya para ang usok mapunta sa kwarto. Ang ina nya wala magawa. Puro salita. Di nya kay awatin. San po kaya ako dapat lumapit. Nasa iisang bahay lang kami. Natatakot ako baka saktan nya ako o anak ko. Naoverheard ko din pala sya last time if may nangyari na ba na namurder buong pamilya sa isang bahay.#pleasehelp