Almerie Dondonay profile icon
PlatinumPlatinum

Almerie Dondonay, Philippines

Contributor

About Almerie Dondonay

Just Pregnant ??

My Orders
Posts(16)
Replies(277)
Articles(0)

Birth Journey

Share ko lang ang aking birth Birth journey Last March 2021 nung malaman kong buntis ako 6weeks ang first check up ko, never kami pumalya sa check up at laboratory kasabay ko ang asawa ng kuya one month lang ang pagitan ng due date namin, sa LMP at tatlong ultrasound ko (transabdominal, CAS, BPP) day lang ang pagitan ng due date ko which is Oct 26-29,2021. And buong journey ng pregnancy ko is nag wowork ako at walang time maglakad.Oct 7, 2021 check up ko ulit sobrang tagal ng doctor sa Center sa sobrang tagal bigla ako nakaramdam ng hilab as in yung hilab na pagpapawisan ka ng malamig at di ka makakagalaw first time ko yun na napatigil talaga mundo ko at nung time na nakabwelo ako sinabi ko agad sa mama ko na kasama ko magpacheck up pero yun na rin ang last kong naramdaman ko yun. Oct 14,2021 ang first day ng maternity leave ko then Oct 15, 2021 may inattendan pa ko birthday party dun marami nagsabi saakin na parang di ko pa kabwanan dahil sobrang taas pa ng tyan ko and kahit ako di ko din masyado iniisip na anytime manganganak ako dahil wala na ko nararamdaman pa pananakit sa tyan ko Oct 16, 2021 may tinry ako excercise na napanuod ko sa tiktok kumadrona sya sabi makakahelp daw yun sa paglelabor Oct 17,2021 around 1am umihi ako nakakita ako blood stain sa panty ko sinabi ko agad sa partner at mama ko pero dahil wala pa din ako naramdaman sakit nagpalit lang ako ng panty at natulog nalang 5am chineck ko ulit wala na ko nakitang blood stain sa panty ko 7:50 nag cr ulit ako nakakita na naman ako ng blood stain pero di ko pa rin ininda 7:59 bigla humilab ang tyan ko pero saklit lang pero ginising ko narin agad ang partner ko sakto pa na umalis ang mama ko may pinuntahan sila ng papa ko 8: nag dirediretso na ang hilab pero kaya ko pa din tapos yung oras ng agwat ng hilab di parepareho kaya di pa ko umaalis sa bahay kasi yung agwat minsan 3mins minsan 5mins minsan 10mins yung layo pero around 11:30 nagpasugod na ko sa ospital ng maynila since yun ang referral ko di pa ko nagmamadali kasi kaya ko pa talaga yung mga tao sa lugar namin wala naniniwala na manganganak na ko kasi kaya ko pa maglakad saka nakatawa pa daw ako tapos yung tyan ko ang taas pa pagdating ko ospital ng maynila sinabihan ako ng guard na ipakiusap ko daw dun sa ob yung kasama ko. hinawa ng partner ko pumunta sya sa OB pero ang sabi sa kanya sa upuan daw muna aki papaanakin di sya pumayag kaya nagpalipat kami sa Fabella mga 12:30 nakaradin kami sa fabella sinabihan pa ko sa contact tracing(not sure) sa fabella na di pa sure kung tatanggapin ako since priority nila yung nagpapacheck up dun after nila icontact tracing ako dumeretso ako sa admission kinuha lang muna ang details ko tapos pinawait lang ako saglit bago ako icheck ng OB pag pasok ko dun sa admission di ko sinasabi yung iniinda ko kasi tolerable pa talaga yung pain. pinahiga na nila ako pero same sa labas sinabi nila na pauuwiin nila ako kung hindi pa daw ako manganganak since priority nila yung nagpapacheck up sakanila. IE lang daw nila ako at kukunin yung HB ni baby kaso pag IE saakin bumulwak yung dugo sa OB kaya tinanong nila agad kung may swab na ko sabi ko wala pa kasi ang sched ko Oct 19 pa kaya pinaswab nila agad ako ang pinakamahirap na part hindi ka pede umire or need mong magpigil dahil kaylangan antayin yung result ng swab 1:30 pinaakyat na ko sa labor room 8cm na ko that time sa labor room pina fully nila ako or 10cm saglit lang ako na 10cm na agad ako dinala na ko sa delivery room kaso muntik na ko ipabalik sa labor room kasi akala ng head or superior na OB eh di pa ko fully since ang taas ng tyan kk pa din kaso bigla ako nag crowning(lumabas ulo ni baby) kaso pag higop ko ng hininga bumalik ulit sya kaya nagtulong tulong yung tatlong OB sakin 2:01 nalabas ko agad ang baby ko. sobrang unforgettable yung experience ko sa delivery or sa lahat ata ng nangyari pero after ko manganak kinabukasan sobrang tragedy pala nangyayari na sa labas paano yung asawa ng kapatid ko nilagnat sya ng todo todo ang hirap huminga sinugod sya sa ibat ibang ospital kaso gusto sya iadmit as covid patient dahil sa symptoms na nararamdaman nya kaya ending umuuwi pa din sila naka dalawang ospital sila puro ganun ang gusto gawin ginawa nila pinacheck up nalang nila sa clinic normal naman sobrang lusog ng baby at ying mommy mataas lang ang UTI kaso kinagabihan nahirapan na namn sya huminga sinugod na nila sya sa madocs kaso huli na tinry isurvive ang baby for 40mins kaso wala na talaga ang mommy naman dead on arrival na gusto sana ng mga doctor ideclare as covid ang cause of death pero di pumayag ang kuya ko at pinaglaban nila at tama naman ang inilaban ng kuya ko negative ang result ng rtptr test nauwi nila ng buo angmommy at baby sobrang sakit gusto sana nila ilihim saakin kaso nagulat ako ang daming nag chat saakin regarding sakanya dun ko nalaman kinabukasan pinilit ko makalabas iyak lang ako ng iyak parang sising sisi ako and until now dinadala ko pa din pati ng buong pamilya namin parang daming sana, ganito dapat ganyan na naikot sa isip namin kaya mga preggy dyan mag iingat kayo lalo na yung mga bata pa na mahina ang pain tolerance sundin nyo OB nyo #firstbaby #pregnancy #1stimemom

Read more
 profile icon
Write a reply

SKL sa marites na neighborhood

hi mga momshie alam ko di lang ako ang nakaranas ng ganito. sa lugar kasi namin di ako kilala masyado kilala nila mga kapatid ko pero di ako. di kasi ang lumalabas or tumatambay sa labas ng bahay kaya tingin nila saakin taong bahay lang ang di nila alam kapag natripan ko gumala eh alas otso palang ng umaga wala na ko sa bahay tapos ang uwi ko na eh madaling araw na 🤣🤣 di katulad nung sa bunso kong kapatid alam nila talagang lantad kung umawra lagi nga kami nakocompare pero wala naman issue saamin yun. eto na nga nung kumalat na buntis ako walang naniniwala akala nila yung bunsong kapatid ko ang buntis kasi sya yung nakikipag live in ako sa bahay lang talaga kaso eto na nga aa naconfirm nga nila na ako na ang buntis dahil ako ang nagpapacheck up. aba ang mga marites di makapaniwala kesyo nasa loob din daw pala ang kulo ko. paano daw ako nabuntis eh nasa loob lang daw ako ng bahay yung iba di pa makapaniwala na may jowa pala ako 🤣🤣 buti nlng yung mga kapatid to the rescue tinatawanan nila talaga yung mga chimosa sasabihin pa sa nagkikwento sakanya " anong nasa loob kulo jusko di nyo lang nakikita kasi aalis yan ng bahay naghihilik pa mga pwet nyo tapos uuwi nakahandusay pa din kayo" or sasabihin nya pa "mas malayo pa nararating nyan kesa saakin" tapos sasabihin pa sakanya may boyfriend pala ate mo sasagutin nya "pitong taon na sila normal na yun" nakakatawa lang na ang daming pakielamera sa buhay mo na akala mo kilala ka nila. yung iba ikaw na mismo iintrigahin na feeling close. gusto sila ang source 🤣🤣🤣#1stimemom #firstbaby #pregnancy

Read more
 profile icon
Write a reply

Feeling Grateful ❤️❤️

Hi Just wanna share my feelings. Unexpected ang pregnancy ko una natakot ako magsabi pero the day na napatunayan ko na preggy ako through PT una ko sinabihan ang mama ko kinabahan pa ko nun pero sabi nya anjan na daw then the next ko sinabihan Bf ko then dalawa kami nag sabi sa papa ko then sya naman nagsabi sa parents nya. una takot kami kasi di talaga kami ready pero financially stable kami. pareho kami may maganda work ang iniisip lang namin yung disappointment ng parents namin since 2yrs palang kami simula nung nakagraduate. 25y/o naman na ko at 24y/o naman ang BF ko. and 8yrs in a relationship din po kami. but after malaman sa both part namin na preggy nga ko yung galit at disappointment na iniexpect namin napalitan ng excitement. biruin mo 3months preggy palang pero halos kompleto na ang gamit ng baby ko halos everyday chinicheck nila ako. ayaw nila ako payagan mamili ng gamit itabi ko nalang daw yung pera para sa future ni baby pero syempre as first time mom di ako payag hahahaha kaya ginagawa nila inuunahan nila ako mamili. nakakataba lang ng puso na unexpected ang baby ko pero sobrang blessing sya parang saamin lahat kaya laking pasasalamat ko sa panginoon kasi eversince never nya ko binigo lagi nya pinaparamdam saakin na nakaagapay sya saakin. Kasal nalang talaga kulang kaso nahihirapan kami sa pandemic ee ayaw nila ako payagan lumabas yun na lang issue ko kasi since nabuntis ako fi na ko nakakalabas ng bahay makakalabas man dyan lang sa tindahan #firstbaby #1stimemom #pregnancy

Read more
 profile icon
Write a reply