DIKO ALAM SAN LULUGAR ANAK KO

Nagresign po ako para ako na mag alaga sa bata. Ganito po, 7mos na si lo, simula po dumating ako hindi ko na sya pinatikim ng duyan, ayaw ko kasi sya masanay hanggang sa lumaki tsaka lumilikot na rin. Tapos yung duyan nya sa mga inlaws ko pag dun sya napunta sobrang delikado nya, pinapapalitan namin dati pa pero ayaw nila. So ayun nga, sinabi ko sa kanila na pinatanggal ko na duyan nya sa bahay para sana maisip din nila na tanggalin yung duyan niya sakanila kasi sinanay nila ang bata di tuloy makatulog dati pag di na iduyan. Tapos parang pinapasimple nila sinasabi saken na hindi daw mahaba tulog nya pag di naduyan. So eto na nga. Ang rason nila na iduyan sya is para mas mahaba daw tulog nya, pero pag mahaba naman tulog nya, gigisingin nila every 2hrs. So san lulugar ang bata? Iduduyan para mahaba tulog pero pag mahaba sapilitan gigisingin. Nakakainis lang kasi.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

True, kahit ako. Ako dapat masusunod. Kasi ganun din naman gigisingin din. Bili ka ng swaddle for baby, nakakahaba ng tulog yun then gisingin mo nalang pag dedede

Ano ba tlaga problem mo..yung duyan or yung in-laws mo...simple lng yan sis, wag mo gawin komplikado buhay mo dahil lang jan 😊

VIP Member

Hehehe. Mahirap tlga makisama minsan sa ILs. Pero ikaw po ang magulang ng anak mo. Your child, your rule po.

Di ka naman masyado gigil sa duyan.. hehe..

Hindi duyan problema dyan haha