Shopee or Lazada?

Hi mommies. Saan po kayo madalas or mas magandang mag shop mag online for baby stuff, shopee or lazada? Thank you. ?

329 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Shoppee!!!! Grabe lang, halos lahat ng damit/gamit ng baby ko sa Shopee ko lang inorder kasi ayaw ako papasukin sa SM at sa groceries 'pag nakita na 'yung tiyan ko 🙄 Salamat Shopee talaga 😅Madalas nakaka-discount ako sa shipping at mga kung anik-anik na vouchers. In fairness sa Lazada, nakaorder din ako sa kanila ng baby laundry powder/fabcon, Avent bottles at 'yung hospital bag ni Baby. Pero I'd say talaga na Shopee ang 90% ng stuff niya.

Magbasa pa

Hey! Have I told you about Shopback? It's a win-win because I get up to 30% cashback from shopping on my favorite sites like Lazada, Shopee, foodpanda, or Booking.com! Sign up with my free link claim your P100 welcome bonus! Happy Shopping https://app.shopback.com/phl?raf=x2nz87

Magbasa pa
VIP Member

Lazada for me , ilang beses nadin ako nag order sa lazada fast delivery din and very nice yung pagkapackage nila ... and kailangan mo din ireview yung mga comment ng iba kasi doon din makikita kong maayos yung pagkapackage ng mga order nila o may damage ..

sa shoppee.kung ano ung order un din ung daratinh syao. Sa laza kung ano order mo kadalasan mali napupunta sayo bwisit ilang beses na nangyari saken. Lalo na sa mga gamit at damit ng baby biy ko lahat baby girl diniliver. Naka note na nga na boy.

Mas maraming mura sa shoppee yet good quality sila, piliin mo lang sa sellers and view some feedbacks, kainaman iisa lang ang shipping fee unlike sa lazada kada item 50pesos ang shipping fee. So much better talaga sa shoppee momsh. 😊

Both gamit ko, pag gusto ko na maayos yung packaging and maayos na delivery sa lazada ako (mostly mga gamit ni baby). Pag gusto ko naman na makamura sa shopee ako (mostly mga household items) may mga discounts kasi sa shipping.

VIP Member

suki na ako ng lazada and so far lahat ng order ko magaganda quality .. dmginagawa ko chinecheck ko ang mga comment bago ko bilhin ung item .. and ung shipping fee kse nya dro sa area nmn comoare sa shoppee ay mas mura

VIP Member

Lazada pag mabilisan kasi kinabukasan lang nagdedeliver na sila. Shoppee dun sa mga less important stuff or yung mga di pa naman needed agad. Minsan naman kung saan mas mura including shipping fee.

.sa shopee kc madami wholesale don....don aq namili ng mga gamit ng baby q...nabili q lng ung bonnet,mittens and boots for 9pesos....peo magaganda ung tela nya..at cotton talaga....

For me shoppee kasi may free shipping. Kasi sa Lazada may shipping kahit sinasabing may free shipping daw eh. Parehas lang naman na online app depende kasi sa mga seller yun.