Newborn iyakin

Hi mommies, nasstress ako napakaiyakin ng baby ko. Madalas wala kaming tulog mag asawa kahit sinubukan na namin lahat. 1 month na sya pero parang walang nagbabago. Kapag nakakatulog sya, magigising in 30 mins tapos dedede nnman, ganun ang cycle. Pinipigilan nya din ang tulog. Kapag karga sya tumatagal ang tulog pero kapag nilapag na, magigising agad. Kahit nakaswaddle na or duyan. Yung kasabayan nya 3-4 hours lagi ang tulog. May ginagawa ba akong mali? Any tips? Nakakafrustrate na napakaiyakin nya

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gawa kayo ng bedtime routine tapos yon sundin nyo araw-araw ng alam nya na matutulog na. Pag nagigising siya huwag magpa ilaw gamit lang kayo ng mobile nyo pag nagpapalit ng diaper o nagpapadede tapos patayin agad. Check nyo din baka may kabag siya. Sa amin manzanilla ang gamit ko sa kabag. Pag hindi umobra ang manzanilla relestal na gamot. Never ako nagka problema sa tulog ng baby ko since newborn siya. Nagigising lang pagdede at palit diaper tapos tulog ulit. At normally sa ganyang edad iyakin talaga kagaya ng pamangkin ko. Nag bago lang ng mag 3 months na siya. Pasensya lang talaga. Isa lang talaga ang maipapayo ko sa iyo establish a bedtime routine. Nong newborn baby ko akyat sa kwarto punas at palit ng damit. Dede since mixed feed siya tapos books tapos patay ang ilaw dede sa akin. Hanggang ngayon 21 months na siya alam na nya pagpatay ng ilaw kailangan tulog na. Good luck! Lilipas din yan.

Magbasa pa

Mommy ganyan talaga ang baby growth spurt yan at magbabago din po yan. Wag hayaan umiyak ng matagal si baby, kung gusto ng karga, kargahin niyo lang. Di naman totoo ung sinasanay sa karga. Mga babies kasi naninibago pa yan, need ng warm and comfort ung feeling na masa tummy pa siya. Tyagain niyo lang po di naman sila forever baby. Gawa na lang kayo ng sleep routine, kung night time na pwede niyo dim ung lights para alam niya na time to sleep na.

Magbasa pa

hi momsh,.. same here,.. ngarag na nagarag na kami kasi ganyan baby ko, every 30mins gising at gusto dede ng dede,.. mixed ako,.. kahit dumede sya sakin hihingi pa din formuLa 2 ounce kuLang sa kanya,.. 17days na si baby,.. diko naman aLam if iLan ounce na ang 17days baka kasi maoverfeed din kaya nakakatakot bigyan ng bigyan ng miLk,.. di sapat sa kanya ang miLk ko,..

Magbasa pa
4y ago

pag pure bfeed momsh napansin ko masarap tulog nila notice no din momsb baka di sya hiyang sa formula milk k kaya kinakabag kaya mababaw lang ang tulog madaling magising .btw magbabago pa naman yan sila ng sleeping oattern

check mo sis kung may kabag or nakukulang sa dede if breastfeed ka kumain ka ng nga sabaw na ulam saka gulay prutas yung malunggay dun dumami gatas ko sis. o kaya di nakakadighay itummy time mo sya 😀 o baka may iba nararamdaman like sipon katulad ng baby ko kyaa pinainom namin ng gamot na recommended ng doctor saka tinaasan ko unan nya para comfortabke tulog nya

Magbasa pa
4y ago

o kaya sis naiinitan si baby o kaya nilalamig check mo rin po

VIP Member

ngayung buntis ako sabi ng iba habang d pa lumalabas ang baby mo bumawe ka sa pagtulog kc once lumabas na yan mahihirapan kana matulog lalo na kung iyakin ang bb mo.kunting tiis lang momsh sabi ng iba mag iiba nman dw yan baka nxt month d na sya iyakan ngayun lang cguro..nakaka pressure talaga lalo kung subrang iyakin.pero kailangan mag tiis.😊

Magbasa pa

padedein mo po sya hanggang sa mapahimbing ang tulog kasi kadalasan po nyan hindi po sya nabubusog..maglagay ka lagi ng pillow sa lap mo para maging komportable sya habang dumedede, kung gumagamit ka naman ng mga panghaplas sa kabag mas maigi po na sa bandang balakang po maghaplas.

Check mo po baka meron lang kabag, tapos lagi check diaper baka di komportable kapag basang basa na tapos yung suot depende sa panahon. Yung baby ko po 25 days na alam na niya matulog ng mahimbing sa gabi :) gigising lang kapag dede, observe niyo lang po si baby niyo :)

kung breastfeed si baby, Check mo sis baka nakukulangan sya Sa nadede nya.. Hindi naman kasi dedede ng Dedede ang baby kung nabubusog sya. baka mahina Ang gatas mo mommy ,Kaya every 30 minutes sya kung dumede. and lagi mo po syang pag burpin baka kasi may kabag😉

Feed, check mo diaper (wag masyadong masikip kasi sobrang uncomfortable sila niyan), baka sa damit naiinitan or nilalamig, burp burp burp, huwag masyadong laruin sa gabi para hindi ma overstimulated at lastly dim light pag bedtime na.

mqa mommy maq tatanunq lanq sana aku kunq San may malapit na lyinq in ditO Banda manila Mendiola Otis .. kpaq manqanqanak ka is required lanq unq rapid test .. salamt pO sa sasaqot