Newborn iyakin

Hi mommies, nasstress ako napakaiyakin ng baby ko. Madalas wala kaming tulog mag asawa kahit sinubukan na namin lahat. 1 month na sya pero parang walang nagbabago. Kapag nakakatulog sya, magigising in 30 mins tapos dedede nnman, ganun ang cycle. Pinipigilan nya din ang tulog. Kapag karga sya tumatagal ang tulog pero kapag nilapag na, magigising agad. Kahit nakaswaddle na or duyan. Yung kasabayan nya 3-4 hours lagi ang tulog. May ginagawa ba akong mali? Any tips? Nakakafrustrate na napakaiyakin nya

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gawa kayo ng bedtime routine tapos yon sundin nyo araw-araw ng alam nya na matutulog na. Pag nagigising siya huwag magpa ilaw gamit lang kayo ng mobile nyo pag nagpapalit ng diaper o nagpapadede tapos patayin agad. Check nyo din baka may kabag siya. Sa amin manzanilla ang gamit ko sa kabag. Pag hindi umobra ang manzanilla relestal na gamot. Never ako nagka problema sa tulog ng baby ko since newborn siya. Nagigising lang pagdede at palit diaper tapos tulog ulit. At normally sa ganyang edad iyakin talaga kagaya ng pamangkin ko. Nag bago lang ng mag 3 months na siya. Pasensya lang talaga. Isa lang talaga ang maipapayo ko sa iyo establish a bedtime routine. Nong newborn baby ko akyat sa kwarto punas at palit ng damit. Dede since mixed feed siya tapos books tapos patay ang ilaw dede sa akin. Hanggang ngayon 21 months na siya alam na nya pagpatay ng ilaw kailangan tulog na. Good luck! Lilipas din yan.

Magbasa pa