Newborn iyakin

Hi mommies, nasstress ako napakaiyakin ng baby ko. Madalas wala kaming tulog mag asawa kahit sinubukan na namin lahat. 1 month na sya pero parang walang nagbabago. Kapag nakakatulog sya, magigising in 30 mins tapos dedede nnman, ganun ang cycle. Pinipigilan nya din ang tulog. Kapag karga sya tumatagal ang tulog pero kapag nilapag na, magigising agad. Kahit nakaswaddle na or duyan. Yung kasabayan nya 3-4 hours lagi ang tulog. May ginagawa ba akong mali? Any tips? Nakakafrustrate na napakaiyakin nya

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy ganyan talaga ang baby growth spurt yan at magbabago din po yan. Wag hayaan umiyak ng matagal si baby, kung gusto ng karga, kargahin niyo lang. Di naman totoo ung sinasanay sa karga. Mga babies kasi naninibago pa yan, need ng warm and comfort ung feeling na masa tummy pa siya. Tyagain niyo lang po di naman sila forever baby. Gawa na lang kayo ng sleep routine, kung night time na pwede niyo dim ung lights para alam niya na time to sleep na.

Magbasa pa