Tulog manok (2 months old baby)

Hello ako lang po ba nakaka experience dito na yung baby ko since first day hindi sya natutulog ng mahaba. Sabi kasi nila pag newborn 16 or 20 hours ang tulog nila pero baliktad po yung akin pinaka matagal nya nang tulog ang 3 hours sa gabi po yun pero once na magising na sya minute nalang ang tulog nya. Swaddle at duyan na try ko na pero ganun pa din. Feeling ko po ako na magkakasakit sa nangyayare since mag isa ko lang sya inaalagaan. Any tips po thank youuuu #firsttimemom #firstbaby #firstmom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy. yung 16-20 hours po total sleep hours po nila yun. hindi po yun tuloy tuloy na tulog na walang gisingan. Usually po nagigising sila every after 2 hours para po dumede. mga 4 mos po mahaba haba na po sila matulog. tiis tiis na lang po muna mommy sa puyat at pagod. hehe. ilang buwan lang po silang ganyan.

Magbasa pa

baka nasanay syang kinakarga kaya ayw nya na magpalapag..