Sad feeling?

Hello mommies. Maglabas lang nang nararamdaman. May company outing kasi si hubby this month, di ko alam kung naiinggit lang ba ako or kung ano nararamdaman ko. Gusto ko sana makasama kami, pwede daw kasi kasama family kaso di ko alam kung ayaw nya pero reason nya mahirap i-commute yung 1kid and 6months na baby papuntang office nila. Gusto ko sana ipilit kaso last time kasi na napilit ko sya na isama kami nadapa yung bata and di nya directly sinasabi pero nafefeel ko sa kilos nya that time na "dapat kasi di na kayo sumama" Inaamin ko nalulungkot talaga ako dito sa bahay kahit maraming ginagawa, sa sobrang paulit ulit parang nasasakal ako na ewan. Gusto ko lumabas kasama yung kids, alam kong nakakapagod pero parang gusto ko mapagod sa ibang dahilan naman, hindi yung dahil buong araw ka naglinis, naglaba, naghugas. Di kami nakakalabas pag weekend kasi pahinga naman ni hubby yun, gusto ko lumabas kahit ako lang pero di pwede kasi sa akin pa rin nadede si bunso. I don't know what to feel. Gusto ko iiyak pero parang ayaw ng katawan ko, feeling ko sasabog ako na ewan. In short talaga gusto ko lang huminga, paano ba? 🥹

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Virtual hug mommy! Pero normal ang nararamdaman nyo ☺️ ang masasabi ko po, kailangan po maging open kayo sa husband nyo sa mga nararamdaman nyo towards each other and other circumstances. Kailangan po nagkakaimtindihan kayo at alam nya ang nararamdaman nyo para din po yun sainyong relationship and sa mga bata dahil kung kayo po ay nagkakasundo maayos po ang makikita ng mga kids sainyo. Need nyo din po ng break

Magbasa pa
1y ago

Pag wala po kayong pahinga hindi nyo po maalagaan ang family nyo ng maayos ☺️ hindi po pwede na porke provider si hubby financially tas ikaw e nasa house po and kids lang e wala ka day off 🥲 mas nakakapagod po mag alaga ng kids at mag ayos sa bahay ☺️ sila nga po need ng day off. Need lang po talaga ng maayos na usapan