Sad feeling?

Hello mommies. Maglabas lang nang nararamdaman. May company outing kasi si hubby this month, di ko alam kung naiinggit lang ba ako or kung ano nararamdaman ko. Gusto ko sana makasama kami, pwede daw kasi kasama family kaso di ko alam kung ayaw nya pero reason nya mahirap i-commute yung 1kid and 6months na baby papuntang office nila. Gusto ko sana ipilit kaso last time kasi na napilit ko sya na isama kami nadapa yung bata and di nya directly sinasabi pero nafefeel ko sa kilos nya that time na "dapat kasi di na kayo sumama" Inaamin ko nalulungkot talaga ako dito sa bahay kahit maraming ginagawa, sa sobrang paulit ulit parang nasasakal ako na ewan. Gusto ko lumabas kasama yung kids, alam kong nakakapagod pero parang gusto ko mapagod sa ibang dahilan naman, hindi yung dahil buong araw ka naglinis, naglaba, naghugas. Di kami nakakalabas pag weekend kasi pahinga naman ni hubby yun, gusto ko lumabas kahit ako lang pero di pwede kasi sa akin pa rin nadede si bunso. I don't know what to feel. Gusto ko iiyak pero parang ayaw ng katawan ko, feeling ko sasabog ako na ewan. In short talaga gusto ko lang huminga, paano ba? πŸ₯Ή

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hugss mommy! kausapin mo si hubby. need nyo ng family time sa labas. iba din kasi feeling pag nakalabas tayong mga nanay diba. sabihin mo nararamdaman mo saknya. dahil kung dimo sasabihin di nya malalaman. kung wala padin. kahit kayo nalang 3 ng anak mo mag mall kayo pasyal lang ganun. I know nakakapagod mi. pray ka lang at iiyak mo lang yan pag di mo na kaya para mabawasan bigat nararamdaman mo. pwede mag break sandali tapos go na ulit. or nuod ka kdrama mi or hanap ka pwede libangan. effective yun.

Magbasa pa
VIP Member

Una mommy, make a scheduled family day out. Tapos if may service naman kayo, i think okay lang ilabas si baby. Pero if commute ang peg nyo, medyo pag isipan mo, mahirap na magkasakit si baby. Tell your hubby na miss mo na yung mga panahon na nagdedate kayo, ibang ambience and vibe. But let him Know na happy ka naman kasama mo sya araw araw. You just want to add more flavor to your partnership ba. Kaya mo yan momsh

Magbasa pa

i feel you po. minsan parang gusto ko na sumabog, bagot na bagot na ko sa loob ng bahay, pa ulit2x nalang palagi routine namin kaya sinasabi ko talaga sa partner ko yun at ngmamakaawa pa ko na e pasyal kami kahit sandali lang para makahinga lang. hindi ko naman kasi kakayanin kapag ako lang kasama ng dalawang bata, 2months pa lng ang isa. buti nalang naintindihan ako ng partner ko kaya pinapasyal din kmi minsan.

Magbasa pa
TapFluencer

Virtual hug mommy! Pero normal ang nararamdaman nyo ☺️ ang masasabi ko po, kailangan po maging open kayo sa husband nyo sa mga nararamdaman nyo towards each other and other circumstances. Kailangan po nagkakaimtindihan kayo at alam nya ang nararamdaman nyo para din po yun sainyong relationship and sa mga bata dahil kung kayo po ay nagkakasundo maayos po ang makikita ng mga kids sainyo. Need nyo din po ng break

Magbasa pa
6mo ago

Pag wala po kayong pahinga hindi nyo po maalagaan ang family nyo ng maayos ☺️ hindi po pwede na porke provider si hubby financially tas ikaw e nasa house po and kids lang e wala ka day off πŸ₯² mas nakakapagod po mag alaga ng kids at mag ayos sa bahay ☺️ sila nga po need ng day off. Need lang po talaga ng maayos na usapan

I feel you, sinabi yan sa hubby ko na. Naboboring din naman ako sa bahay sa paulit ulit na gawain pag aalaga sa anak namin. Kaya simula nun every weekend nilalabas nya kami gagala sa mga kapatid ko since malayo ako sakanila and kami lang ni baby ang tao sa bahay namin. Kapag nag aya mga relatives ko ng swimming or gagala sumasama kami.

Magbasa pa
VIP Member

talk to your hubby mii pra Naman malaman nya ung POV mo Hindi biro mag alaga nang Bata tsaka deserve mong e gala outside para Naman mabawasan ung stress natin mommies hugs ❀️ and most of all mii pray to God πŸ™ May God bless you, your husband and your babies

yakap mahigpit momshie, ganyan ako dati kaya kapag nakahanap ako ng way lumabas magisa kahit for errand or bili lang sa tindahan di ako nagmamadali, ninanamnam ko talaga ang panandaliang freedom at ibang environment