Pwede mag-rant? Porket ba mapayat si Baby, hindi na healthy o pinabayaan na?

Haynako naistress ako. Di ko naman pinapabayaan ang anak ko. Kung concern sila, mas lalo na ako di ba? Mas concern, worried at OA ako. Siyempre anak ko ito. Alam ko naman sa sarili ko/namin ni partner na hindi namin pinapabayaan si baby. Healthy baby naman ang LO ko kahit payat o maliit daw. Malakas naman sa milk si baby kaso pure breastfed kasi si baby kaya iniisip ko rin baka kaya di sya tabain. Pinapainom naman namin sya ng formula milk kaso kung hindi nya uubusin, di nya talaga iinumin at all. Saka mabigat naman si baby. Saglit na karga mo palang, mangangalay ka na. Kaya nga, di rin masyado nagpapaapekto si partner kasi mabigat naman si baby. Minsan sinasabihan nya na lang ako na hayaan na di kasi nila binubuhat pa kaya kala nila mapayat. Pero medyo naiirita at naiinis ako kasi paulit ulit nila sinasabi. Kahit nakikita naman nila na pinapakain ko yung bata at talagang sagana naman sa bf. Nakakastress at nakakainis lang kasi kung makasalita sila parang pinapabayaan ko yung anak ko. Minsan magtatanong pa kung sakitin daw ba? Eh hindi naman sakitin si LO. Tapos kung ano pa sasabihin. Yung in-law ko nga na kasama namin sa bahay, di naman nagrereklamo. Kasi alam nyang di namin pinapabayaan yung bata. Minsan kung sino pa talaga yung di mo kasama sa bahay, sila pa yung makuda. Hays. #1stimemom #firstbaby #advicepls #pleasehelp

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I feel you mommy, i have a 2months old baby and EBF sya, maliit na baby sya and di tabain. Dame ko na narinig from other person including kamag anaks na masasakit na salita to the point na feeling ko najudge pagkananay ko. Ayoko kase sana sya iformula since may milk ako, di nga lang kasing sagana ng iba, plus the fact na mas madame nutrients ang BMilk. Hayaan mo nalang sila mommy, madame silang di alam kaya madame din sila nasasabe. Laban lang tayo always. And iwas negativity ❤

Magbasa pa
4y ago

ganun din reason ko before. ayako iformula kasi meron naman akong sariling gatas. kesyo rason daw yun ng tamad na nanay. hays. pati daw bata tinitipid. tas ngayong 7mos na si baby at ayaw dumede sa bote at ayaw mag formula, sinanay ko daw kasi. kesyo okay lang daw first 3 mos pure bf pero after 3 mos dapat ginagamitan na ng formula kasi di na raw healthy ang breastmilk. ano raw makukuhang sustansya sa breastmilk. eh ang gusto lang naman nila, mataba yung bata. ang sagot ko lang minsan, aanhin ko ang matabang bata kung hindi healthy tas tatawa lang sila.

Basta on track ang height and weight according sa pedia, ok lang. Ganyan din baby namin, nung una worried ang lola kasi parang payat daw tsaka may mga nakikitang babies na masmataba. Pero nung binuhat buhat nya napagod sya 😂may mga babies lang talaga na hindi tabain, pero siksik. Plus syempre depende sa genes nyong mag-asawa. Petite kasi ako, and yung mga lalaki sa side namin hindi talaga mataba so hindi ako worried.

Magbasa pa
4y ago

di nga sya siguro tabain mommy hehe pero nakakangalay sya buhatin. sabi nga nung kapitbahay namin na nurse, napakatibay daw ng buto ni baby. may kasabay kasi na baby si lo ko, anak ng pinsan ng partner ko, mataba saka mixed kasi yung baby nya kaya dun nila kinocompare.

VIP Member

Don't mind them maisstress k lang. Hayaan mo cla hindi cla hindi mo nmn cla ginugutom dba. Pagdating ng araw at tumaba ang anak mo mkikita nila yan. Saka tandaan mo miii hindi lhat ng mtabang bata ai healty kya makuntento tyo kung saan lang kaya ng bata n iproduce pra s srili nya. As long as hindi tyo nag papabaya s oag papalaki nyan. Ang isagot mo nlang pg sinabi uli un sayo. Sbhin mo matalino ang bata at walang sakit.

Magbasa pa

basta ginagawa mo ang alam mo tama kay baby mo.. wala na pakels ang iba🥰 saka namamana din po ang katawan baka hindi kayo talaga tabain..basta healthy at pasok sa average ang height and weight ok yan mii🥰samin EBF ang baby ko hindi naman ganon tabain pero malaki built at siksik ang bigat din miii at may mga nakakapuna din na hindi mataba si baby ko Pero pag pinapabuhat ko sakanila mga nagrereklamo sa bigat hehe

Magbasa pa

yang mga kuda ng kuda patirahin mo sa bahay nio para update cla kung pinababayaan mo anak mo..mga walang magawa yang mga yan basta alam mo at ng mga tao sa bahay nio na gano mo pinangangalagaan ang anak mo at inaasikaso..paki ba nila.. ganyan ung walang mapag usapan sa pandemic na nga inuuna pa kikialam sa iba..hayy buhay nga naman

Magbasa pa
4y ago

totoo. saka konting kibot may nasasabi. kesyo, masyado daw binebaby si lo. may mga araw na kayang ipagsawalang bahala mga sinasabi nila pero minsan din talaga di maiwasang di maapektuhan.

my mga bata po tlga na sadyang payat tingnan,hayaan nyu na po mga negative na sasabihin ng iba,.kahit naka vitamin na sadyang payat parin khit pinainum na ng gatas ,ganun parin kaya no worries mommy.,kasi tataba din baby mo.

ok lang po yan kahit payat hindi namn sya sakitin nasa bata na yan kasi malilikot tlga sila. hayaan mo yang mga nag sasabi na yan. basta alam natin mga mommies na hindi natin pinababayaan ang mga anak natin

4y ago

hayaan mo sila inggit sila kasi active mga baby natin at hindi nag kakasakit hehe 😊😊😊 wlang anuman mommy 😊😊😊

ang importante po mommy normal ang weight at d sakitin,at saka kung sobrang taba niyan,abnormal n rin yan dahil maging overweight

Wag mo nlng sila intindhin, ang importante, healthy si baby. D naman lahat ng matatabng baby ay healthy

4y ago

oonga mommy. yun nga din ang sinasabi ko. as long as di sakitin si baby, thankful ako. ☺️ thank you mommy 😍

mommy wag mo sila intindihin as long as narereach nya ideal weight ok lang po un 🥰🥰🥰

4y ago

salamat mommy. di lang din talaga minsan maiwasan mainis hehe